Inilahad ng Geek Fam ID roamer na si Allen “Baloyskie” Baloy ang dahilan kung bakit nakaisa ang RRQ Sena sa kanilang opening match sa ONE Esports MPL Invitational 2022 (MPLI 2022). Ito ay sa kadahilanang hindi niya nirespeto ang kanilang kalaban.
Matapos ang kanilang match laban sa RRQ Sena, ikinuwento ito ni Baloyskie sa mga English casters na sina Gonie at Mirko. Sa match na ito, nagawa ng Geek Fam ID na manalo sa score na 2-1.
Tinanong ni Gonie ang Filipino player kung sino sa RRQ Sena ang nagpahirap sa kaniya sa nagdaang match. Binanggit niya ang pangalan ng midlaner ng RRQ Sena na si Warlord.

Inamin niya na base sa kanyang pag-aaral sa laro ng RRQ Sena bago ang kanilang match, mataas ang naging respeto niya para kay Warlord. Gayunpaman, inamin din niyang hindi niya ipinakita ang respetong ito sa ikalawang game.
“I think their midlaner. In the first game I had a lot of respect for him because I learned the game and what was his top priority. He also played very well,” sabi ng dating ONIC PH player matapos ang game.
“But in the second game I didn’t respect him and this is what stunned us by his game,” sabi niya.

Siguradong magsisilbi itong aral para kayu Baloyskie at sa Geek Fam ID na laging irespeto ang lakas ng kalaban. Sunod nilang nakalaban sa MPLI 2022 ang representative ng Malaysia na Orange Esports.
Baloyskie nagbanggit ng dalawang teams na nais makaharap sa MPLI 2022

Dahil sa tagumpay na nakuha mula sa RRQ, umabante patungo sa susunod na yugto ng tournament upang harapin ang Orange Esports na nagawang talunin ang Burn X Flash sa score na 2-1.
Hindi inaasahan ni Baloyskie na makakaharap nila ang Orange Esports dahil naniniwala siyang ang Burn X Flash ang magtatagumpay sa pagtutunggali ng dalawang team.
Tungkol naman sa team na nais niyang makaharap sa MPLI ng taong ito, nagbangggit ang player ng dalawang teams. Ngunit kung papipiliin siya sa dalawa, mas pipiliin niyang makaharap ang Blacklist International.

“I think Blacklist and ONIC. But I prefer to be able to meet Blacklist because I haven’t played against them for quite a while,” sabi niya.
Malaki ang tyansa ng Geek Fam ID na makaharap ang Blacklist International kung malalampasan nila ang Orange Esports. Sa kabila ng pagiging mahirap ng match na kakaharapin, may sariling motivation si Baloyskie para sa match na ito.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.