Best midlane hero? Syempre marami kang pagpipilian. Ngunit sa kasalukuyang meta, kinakailangang piliin maigi ng midlaner ang pinakamahusay na hero para sa kanyang lane.

Mabilis ang pagbabago ng meta at gameplay strategies sa Mobile Legends. Ang pag-ikot ng mga heroes kaugnay sa kani-kanilang mga roles ay nag-iiba-iba rin.

Credit: Moonton

Mahalaga ang midlaner role. Hindi kailangang laging mage ang nasa midlane. Dahil sa 2 roam meta, kinakailangan na maraming kayang gawin at kayang mag-adjust ng midlaner na kayang maging agresibo.

Marami pa rin sa mga pro players ang nagtitiwala na ilagay ang mage damager sa mid. Minsan ay pinagpapalit din nila ang posisyon nito sa Marksman na ilalagay sa mid habang ang mage naman ang ipapadala sa gold lane, depende talaga ito sa sitwasyon.

Pero dahil sa pagsikat ng 2 roam meta, mas marami na ang gumagamit ng mga crowd control midlaners tulad nina Chou, Selena, at Diggie.

RRQ Clay isa sa mga pinakamahuhusay na midlaners sa Indonesia

Pag usapang midlaner, si RRQ Clay ang nangunguna sa MPL ID.

RRQ Clay MPL ID S9
Credit: MPL ID

Nakakabilib at kakaiba ang paraan ang paggamit ni RRQ Clay ng mga mage heroes. Tila halos laging nananalo ang RRQ Hoshi pag gumagamit ang player na ito ng mga heroes tulad nina Yve at Pharsa.

Isa si Yve sa mga pinakapopular na nidlane heroes sa MPL S9 sa lahat nang rehiyon. Kung kaya’t nakakapagtaka na wala ito sa listahan ng mga best midlane heroes ni RRQ Clay.

Best midlane heroes para sa push rank ayon kay RRQ Clay

Sa YouTube story ng RRQ, inilahad ni Clay ang 5 best midlane heroes para magpataas ng rank sa MLBB. Kakaiba at interesante ang mga sagot niya.

Bagama’t medyo pabiro ang sagot ni Clay, itinuturing ito ng ONE Esports na risonable at ipapaliwanag namin kung baklit karapat-dapat gamitin ang mga heroes na ito.

Chou

Credit: Moonton

“Because Chou set-up is good in the middle. Can kick people.”

Marami ang gumagamit ng Chou sa midlane. Kadalasan itong nangyayari pag ang team ay gumagamit ng 2 roam meta. Bukod sa mabilis na pag-clear ng mga waves, nakakabilib din ang rotation ni Chou kung kaya’t magiging komportable ito sa pag-initiate sa lahat nang lanes.

Maaari ding gamitin ang hero na ito pang-agaw ng jungle ng kalaban, kaya’t maganda ang mga options ni Chou.

Pharsa

Credit: Moonton

“Fast rotation and damage from a long distance.”

Safe at komportableng gamitin si Pharsa sa midlane. Siya na siguro ang mage na may pinakamataas na damage at mobility. Nakakatakoit din si Pharsa sa late game,bukod sa mabilis siyang pumosisyon ay malakas din ang kanyang burst damage.

Siguradong magiging maayos ang paghawak mo sa midlane kay Pharsa.

Phoveus

Credit: Moonton

“In turtles can jump up and down at will.”

Isang kakaibang option na isinama ni RRQ Clay sa listahan ay si Phoveus. Wala masyadong gumagamit ng midlane Phoveus sa kasalukuyang competitive scene. Ngunit may pakinabang pa rin ito.

Si Phoveus ang tipo ng hero na kayang makipagsabayan sa mg dash heroes. Kayang-kaya nitong tapatan at gulatin ang mga heroes tulad nina Chou, Kagura, at kahit pa Selena.

Bagama’t umiiwas ang mga kalaban sa paggamit ng dash kapag katapat si Phoveus, pwede itong i-bait sa tulong ng kanyang mga kasama. Kaspag sinamahan si Phoveus nina Khufra o Ruby, maaaring pwersahin ng dalawang roamers ang kalaban na gumamit ng dash upang matalunan ito ni Phoveus at tapusin.

Lunox

Credit: Moonton

“Because it can montage in front of friends so it looks cool.”

Hindi mali ang paliwanag ni RRQ Clay. Si Lunox ay isang tipo ng kiting at scaling hero. Kailangan na dumistansya muna si Lunox sa early game. Bilang isang Lunox player, kailangan dfin na unawain kung paano gamtiin ang kanyang komplikadong skills.

At dahil kilala si RRQ Clay bilang isa sa mga pinakamahuhusay na Lunox users, hindi na nakakagulat na kasama ang hero na ito sa listahan.

Diggie

MLBB Diggie
Credit: Moonton

“Because Diggie can tank and upset the enemy with the bombs they have.”

Ang paggamit ng Diggie sa mid ay nangangahulugang 2 roam meta ang ginagamit. Isa ang ONIC Esports sa mga teams na nag-e-enjoy gamitin ang meta na ito nitong mga nakaraang linggo.

Mahirap mag-clear ng wave si Diggie pag nasa mid, ngunit hindi ito ang dahilan ng paggamit sa kanya. Ang layunin niya ay siguraduhing nangunguna ang kanyang team sa laban sa pamamagitan ng pag-akit sa mga kalaban at maglibot.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.