Paano ba laruin ang best MLBB midlane sa kasalukuyang meta? Ano ang best rotation? Sinong hero ang makakapagbigay ng mataas na tyansang manalo? Tila ang mga surefire tips ay katanggap-tanggap lamang kung manggagaling sa isang eksperto tulad ni Luminaire.

Alam naman natin na ang midlaner ay may malaking role sa pag-develop ng meta sa MLBB. Ang midlaner ngayon ay hindi lamang support, kung hindi may importante ring role na ihatid ang team sa tagumpay.

Land of Dawn map
Credit: Moonton

Ang flexibility ng isang midlaner ay dapat meron ang bawat team. Ang mga midlaners ay kadalasang gumagamit ng mga mages, pero hindi rin imposibleng gumamit sila ng mga fighters o heroes na walang damage, basta meron silang sapat na crowd control.

Ang mga midlaners ay maaari na ring maging core. May iba na gumagamit ng midlane heroes na may mataas na late game damage, sa pag-asang mabubuhat nito ang team sa late game.

Xavier MLBB midlane
Source: Moonton

Sina Valentina, Xavier, Cecilion, at Yve ang mga halimbawa ng mga midlaner heroes na kayang baligtarin ang sitwasyon upang maipanalo ang team.

Ang kanilang espesyal na crowd control at hindi birong damage ang dahilan kung bakit importante sila sa kasalukuyang meta ng MLBB.

Paano maglaro ng best MLBB midlane ayon kay Luminaire

Sa katunayan, maraming paraan upang makapaglaro ng best MLBB midlane. Merong tipo ng midlane na kalmado sa early game para mabilis na makakuha ng mga items at maging mabangis pagdating ng mid hanggang late game.

Meron din namang mga aktibo sa pagsagawa ng mga ambush. Ang lahat ay nakadepende sa tipo at kakayahan ng hero pati na rin sa mechanics ng player mismo.



Gayunpaman, iba ang pananaw ng EVO player na si Luminaire. Ayon sa kanya, ang kasalukuyang personal mechanics ay hindi pwedeng dalhin papunta sa level ng professional games tulad ng MPL.

“Mid good rotation to turtle or gold? I tell you yes, you have movements and personal mechanics will not be used when you enter MPL. Now the META is a team movement bro,” sabi niya tungkol sa kung paano maglaro ng best midlane sa isang live stream.

Luminaire best MLBB midlane
Credit: MPL ID

Kung hindi mo pa rin naiintindihan, ang pinupunto ni Luminaire ay kailangang maging sensitibo ang mga midlaners pagdating sa kung anong kinakailangan sa gameplay. Kung ang goldlane ang mas nangangailangan ng tulong, kailangan niyang manatili dito.

Maaari ring maging priority ang turtle sa ilang pagkakataon, kung kaya’t kailangang mag-adjust. Nakadepende ang lahat sa galaw ng iyong team, dahil magkakaiba ang gameplay ng bawat player.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.