Mahirap sagutin kung ano ang best roamers para sa Mobile Legends. Sa pro play, mapapansin ang pagkamalikhain ng teams na nagsasalang ng iba’t-ibang picks sa role. Ito ay dahil napakahalagang makakuha ang mga koponan ng epektibong roamer dahil ito ang magdidikta kung ano ang magiging pacing at rotation ng laro.

Kung titignan ang MPL, malimit ang pagkakataong pumipili kaagad ng roamer sa 1st phase, dahil madalas, ito ang ginagawang sentro ng counterdraft ng teams. Sa magkatunggaling MPL regions na MPL PH at MPL ID, makikita naman ang pagkakaiba ng roamer selection.

Sa ID, popular pa rin ang crowd control heroes at healers katulad ng Franco, Mathilda, Ruby at minsan ay Chou. Samantala, Chou at Grock naman ang primerang ginagamit ng mga koponan sa PH eksena.

Credit: Moonton

Bagamat may crowd control pa rin ang heroes na ito ay may karga din silang anti-CC kung kaya’t mas nakakatagal sila sa laban. Kung hindi ang 2 heroes na ito, madalas din makita sa MPL PH ang Lolita at Atlas para sa kapanapanabik ng setups kung saan kilala ang mga Pinoy.

Dito sinentro ni Antimage ang kaniyang opinyon tungkol sa best roamers sa meta.


Antimage inilahad ang 2 best roamers sa MLBB base sa meta

Sa isang livestream katambal si Lokoce, sinabi ni Antimage ang 2 picks na sa tingin niya ay best roamers ngayon sa Mobile Legends. Aniya, ang Chou at Grock, ang paboritong picks sa Pilipinas, ang dapat bigyan ng priority ng teams sa MPL.

“The most prioritized roamer heroes you should note down, Chou and Grock. Because the two heroes have immunity. Atlas has immunity but the cooldown is long. Let’s go with Grock and Chou. Lolita too but she is not in all conditions,” ani ng dating EVOS Legends pro.

Ayon sa stats mula sa MPL PH, pang-anim sa pinakamataas na pick rate ang Chou na may 42 ulit na isinalang, at pang-13 naman ang Grock na may 30 beses na-pick. Sa parehong listahan, sila ang top 2 most picked heroes na tipikal na nilalagay sa roam position.

Credit: ONE Esports

Kung titignan naman ang laruan sa Indonesia, pitong ulit lamang lumabas ang Grock sa pro play habang mas disente naman ang numero kay Chou na may 26 beses na kinuha.

Kung sisiliping maigi ang komento ni Antimage, madaling ma-sungkit ang ideya na ang best roamers sa laro ay may halong CC skill at anti-CC skill, isang bagay na pamilyar na ang mga Pinoy. Ang passive ng Grock na Earthen Force, ang nagbibigay sa hero ng immunity kapag gumagamit ng Power of Nature skill.

Credit: Moonton

Sa kabilang bahagi, may magagamit naman ang Chou na Shunpo para maka-dodge ng skills. Bukod dito, mataas din ang mobility ng dalawang heroes kung kaya’t hindi malayo na ang dalawa ngang ito ang best roamers na makukuha sa meta.

Sa tingin niyo, ano ang best roamers sa MLBB ngayon?

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kung hindi ML ay pag-momotor ang inaasikaso ni Alter Ego Udil — heto ang kaniyang paboritong ride