Nakakatulala ang nagawa ng Genflix Aerowolf nang ma-eliminate nila ang defending champion na RRQ Hoshi sa score na 2-1 sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 7 playoffs.

Sa kabila ng di inaasahang pagdating ni Lemon, nagpakita ng kakaibang tigas at tapang ang Genflix Aerowolf at pinatalsik ang mga hari sa unang araw ng playoffs.

Matapos ang matibay na performance laban sa top four teams ng rehiyon na RRQ Hoshi, Bigetron Alpha, ONIC Indonesia, at EVOS Legends sa regular season, pinagtibay ng Genflix Aerowolf ang kanilang estado bilang dark horse sa pagpasok ng play-in stage.

Sa unang game, bumuo ng all-around lineup ang Genflix Aerowolf na may Lapu-Lapu, Chou, Selena, at Granger. Matagumpay ang lineup at agresibo nilang tinapos ang unang game ng walang aberya.

Pumalag ang RRQ Hoshi sa game two para magakaron ng decider matapos agawin ni Albert tang Lord sa 15-minute mark, na nagbigay sa kanila ng momentum para manalo makalipas ang 6 na minuto.

Pero hindi nagpatinag ang Genflix Aerowolf, sila ang nag-dominate sa game 3 sa tulong ng pinagsamang lakas ng Paquito ni Rinazmi at Ling ni Bottle.

Sa post-match interview, inamin ng Genflix support na si Deden “Clay” Mohamed na tiwala silang mananalo sila sa series laban sa RRQ Hoshi.

“We all want to beat them because Lemon is playing. RRQ Hoshi is used to playing in the upper bracket, so they might be tense in this game since everything is on the line,” sabi niya.

Ito ang unang beses na nanalo ang Genflix Aerowolf sa series sa play-in stage mula nang ipatupad ang franchise system, kung kaya’t napakahalaga ng panalong ito para sa organisasyon.

Nasa lower bracket ngayon ang Genflix Aerowolf matapos matalo sa EVOS Legends sa sumunod na game. Susunod nilang haharapin ang matatalo sa laban sa pagitan ng ONIC Indonesia at Bigetron Alpha.