Matapos ang kanilang makulay na byahe sa katatapos lang na MPL Indonesia Season 7 (MPL ID S7) kung saan nakuha nila ang first runner-up finish, napatunayan ng Bigetron Alpha na isa sila sa mga pinakamalakas at tinitignang team sa region ngayon.
Sa pinakahuling episode ng /ALL Chat, inilihad ng Bigetron ang mga natutunan nila sa nakalipas na season gayundin kung ano ang pakiramdam na tumira sa iisang bubong.
Mahusay na MPL Season 7 ng Bigetron Alpha
Sa unang bahagi ng episode, nagbalik-tanaw ang mga manlalaro ng Bigetron sa kanilang biyahe sa nakalipas na MPL ID S7 kasama na ang mga hinarap nilang hamon.
Nung tinanong kung sino ang pinakamatikas nilang nakahrap, inamin ni tank player Hengky “Kyy” Gunawan na Onic Indonesia at RRQ Hoshi ang nagpahirap sa kanila.
“It seems like during the times we met, we have lost to them twice and it is frustrating,” banggit ni Kyy.
Nagbalik-tanaw din ang team sa mga masasayang kaganapan at experiences sa Bigetron Alpha Bootcamp. Pinatutsadahan pa nga ni Deven “Renbo” Markos si Matthew “Matt” Geraldo sa naturang bahagi ng kwentuhan.
“Whenever he (Matt) speaks to his girlfriend (sa cellphone), he will say things like baby or sweetie. It’s disgusting,” parinig ni Renbo.
Sa pangalawang segment naman, hinati sa dalawang grupo ang mga manlalaro ng Bigetron kung saan naglaro sila ng series of games. Kung isa kang fan ng team na ito, tiyak na magugustuhan mo ang episode na ito nang makita mo ang side ng players na hindi mo pa nakikita.
Panoorin ang Biggetron Alpha sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup kung saan haharapin nila ang pinakamalalakas na teams sa rehiyon.