Hindi nagpaawat ang esports label ng Tier One Entertainment na Blacklist International noong 2021.
Nagmayagpag ang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) team ng org sa MPL Philippines Season 8 at M3 World Championship, kung san kinuha nila ang dalawang korona.
Bukod sa kanilang lumalaking koleksyon ng mga tropeyo, tinanghal din silang most engaged esports organization ng 2021.
Blacklist International most engaged esports organization ng 2021

Sa tulong ng kanilang mga memes at #BreakTheCode hashtag, naghari sa social media platform na Facebook ang Blacklist International.
Ang Blacklist International Facebook page ang most engaged organization noong 2021 ayon sa social media manager na si Brendan Husebø.
Sa listahan ay sinukat ang mga reactions, comments, at shares ng mga local at international Facebook esports pages. Nanguna ang Blacklist na may nakakagimbal na 19.5 million engagements, na nag-average sa 10,000 bawat post.
Tinalo ng Blacklist ang OG Esports Dota 2 Facebook page na nakakuha ng 11.4 million engagements noong 2021.
May iba ring mga Filipino esports organizations na kabilang sa listahan tulad ng Nexplay Esports sa ikatlong pwesto at Bren Esports naman sa ikalima.
Narito ang kumpletong listahan ng mga most engaged esports organization ng 2021:
- Blacklist International
- OG Esports
- Nexplay Esports
- Team Secret
- Bren Esports
- Loud
- MiTH eSports
- Team Flash Arena of Valor
- Bacon Time
- T1 LoL
Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.