Muli na namang umani ng panalo ang Blacklist International sa Week 5 Day 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Tuloy-tuloy ang undefeated run ng Blacklist International matapos nilang talunin ang TNC Pro Team sa score na 2-0.

MLBB MPLPHSeason8 TNC BlacklistInternational Game1Standings
Credit: MPL PH
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa game one, nagmistulang mapuputol na ng TNC ang win streak ng MPL PH Season 7 champions. Akmang kukunin na ng TNC ang unang game dahil lumamang sila sa tore at resources, ngunit nawala ito nang makuha ng Blacklist International ang Luminous Lord sa bandang 15 minute mark ng game na nagbigay sa kanila ng bwelo para sa isang reverse sweep.

Naging mas mabilis naman ang game two kung saan mas ipinakita ng Blacklist International kung bakit sila ang nangunguna sa liga. Natapos ang ikalawang game sa loob ng 11 minutes 25 seconds.

MLBB MPLPHSeason8 TNC BlacklistInternational Game2Standings
Credit: MPL PH
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa post-match interview, ipinaliwanag ni Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna ang kanilang gameplan sa unang game kung saan muntik na silang matalo. “Actually, before yung start ng game one, alam na namin na lugi kami sa early game against TNC dahil nga malakas yung heroes nila,” sabi ni OhMyV33nus.

“Sinubukan naming i-delay yung game, like hindi namin kino-contest yung turtle,” paliwanag ni OhMyV33nus. “Siguro kasi nagkamali lang kami kasi yung second turtle, sinubukan naming i-contest. Then, dun kami na-push nina Toshi and Light sa Gold Lane.”

Sinabi rin nya na hindi sila nawalan ng pag-asa sa kabila ng malaking lamang ng kalaban.

“Even though nabasag na yung mga towers namin and behind kami sa gold, confident kami na kaya pa naming ipanalo yun kasi malakas yung late game namin nang sobra since meron kaming double marksman, Vale, sustain Rafaela, and Paquito.”

Nang tanungin kung ano ang naging epekto ng bagong patch sa kanilang gameplay, simple at may halong pasabik ang naging tugon ng Queen Support ng MPL PH.

“Marami pa kaming sinusubukan since kailan lang nagkaron ng patch. So abangan nila kung ano yung mga tine-testing namin.”

Ang nagunguna ang Blacklist International sa standings na may win-lose record na 9-0.

MLBB MPLPHSeason8 Standings
Credit: MPL PH

Makakalaban nila ang RSG Philippines sa September 26, 6:00 p.m. GMT+8.

Mapapanood ang mga matches nang live sa opisyal na Facebook channel ng MPL Philippines.