Nakabalik na sa tuktok ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10) standings ang Blacklist International matapos nilang walisin ang TNC Pro Team sa ikawalong linggo ng regular season.

Kasing tikas ng kanilang player intro ang ipinamalas na galawan ng Codebreakers sa best-of-three serye. Nagsalitan ng pagpapakitang-gilas ang Royal Duo na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario para makapagtala na ng 25 puntos.

V33Wise at Blacklist International nagpakitang-gilas sa huling laban ng TNC sa MPL PH S10

V33Wise nagsalitan ng MVP para mawalis ng Blacklist International ang TNC sa MPL PH S10

Naipagpag ni OhMyV33nus ang maalat na panimula sa unang mapa ng serye. Napuruhan kasi siya ng Phoenix Army sa unang bahagi ng laban matapos ang mga rotation ng Brody ni
Robee “Yasuwo” Pormocille sa mid lane. Umabot ng apat na deaths si The Queen sa early game, pero hindi ito sapat para maungusan ng TNC ang Blacklist International.

Matapos kasi ang halos 19 bakbakan, ang Mathilda pa rin ni The Queen ang hinirang na MVP ng mapa. Sa 18 total kills na nailista ng Codebreakers, 15 dito ay kasama si OhMyV33nus. Siya rin ang kumana ng game-high 14 assists at 32,045 damage dealt.

V33Wise nagsalitan ng MVP para mawalis ng Blacklist International ang TNC sa MPL PH S10
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Hindi naman nagpahuli si Wise pag pasok sa ikalawang mapa ng serye. ‘Di alintana ang piniling Lancelot ni Daniel “SDzyz” Chu matapos niyang selyuhin ang lahat ng tatlong Turtle ng laro.

Nang makapagtala na ng higit 9,000 kalamangan sa gold, hindi na tumingin pa sa likod ang Blacklist International. Nasarado nila ang ikalawang mapa ng serye matapos lang ang 12 minuto ng bakbakan. HInirang ang Akai ni Wise bilang MVP. Kumana siya ng game-high 14 assists, na dinagdagan ng apat na kills kontra isang kill.

V33Wise nagsalitan ng MVP para mawalis ng Blacklist International ang TNC sa MPL PH S10
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Samantala, nakatakda naman nilang kalabanin ang defending MPL PH champions na RSG Philippines bukas, ikalawa ng Oktubre, sa ganap na 7:30 gabi.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: BREN niligpit ang NXPE, tatapusin ang S10 hawak ang 4-game win streak