Kliniko ang ipinakita ng Blacklist International kontra Burn x Flash para ilista ang kanilang ikalawang tagumpay sa gumugulong na M4 World Championship Group Stage.

Bumida para sa defending champions si Kiel Calvin “OHEB” Soriano na muling pinanganga ang mga miron hawak ang kaniyang Claude para tulungan ang Blacklist manatili sa tuktok ng Group A. Pumukol ang M3 Finals MVP ng team-best 7 kills katuwang pa ng 3 assists, at nanatiling walang galos sa larong tumagal ng lampas 15 minuto.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Blacklist desimulado sa ikalawang salang sa M4 Groups

Hindi nagpatumpik-tumpik ang koponan ng Tier One na ipamalas ang dominante nilang macro-play kontra sa koponan ng kapwa Pinoy na si Coach Michael “Zico” Dizon.

Credit: Moonton

Malaking bahagi ng maagang abante ng Blacklist ang pambihirang zoning na ibinigay ng Yu Zhong at Angela nina Edward “EDWARD” Dapadap at Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna sa mga neutral objective takes. Walang takot na sinuong ni Agent Zero ang mga miyembro na MPL KH champions dahil na din sa sustain na ibinigay ng Heart Guard ng The Queen.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Kaya naman ang mga Pinoy ang nagdikta ng tono ng laro hanggang dumako ng late game, kung saan inapakan na ni OHEB ang pedal sa kaniyang Claude. Sinubukang kontrolin ng Burn x Flash ang marksman nugnit madulas ang gold laner na naglabas-pasok sa team fights para paulanan ang mga kalaban ng sandamukal na physical damage.

Tinapos ng Blacklist ang laban na may 15-1 kill score, at hawak ang momentum papunta sa huling group stage match nila kontra Falcon Esports sa parehong araw.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Manatiling nakatutok sa mga kaganapan sa M4 sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Kairi kumana ng 21/0/7 KDA kontra MVG at MDH, ONIC abante sa upper bracket ng M4