Siguradong nakangiti hanggang tainga ang mga fans ng M2 World Champs, Bren Esports sa opisyal na pagdating ng pinakabago at pinaka-astig na skin ng Lancelot sa Land of Dawn.

Ipakitang #BrenLangMalakas sa pagkuha sa Bren Esports Lancelot

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Inilabas ang M2 champion skin sa Mobile Legends: Bang Bang official YouTube page na kinatampukan ng signature assassin hero ng M2 World Champion MVP na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno.

Suot ng Lancelot sa tampok na skin ang isang futuristic na armor na hinango sa classic gold at black colorway ng kupunan. Kinumpleto ang postura ng assassin hero ng swabeng espada at poging kapa na nakabighani sa maraming fans.

Pagpupugay ang skin na ito sa ipinakitang gilas ni KarlTzy para sa Bren sa makasaysayan nilang pagkapanalo ng tropeyo ng M2 World Championship. Nag-iisa din ang Bren Esports jungler na nakapagtala ng Savage sa torneyo na ginawa niyo kontra sa 10s Gaming Frost ng Japan.


Bren Esports Lancelot skills

Dahil ang M2 championship skin ay isang Epic skin, binigyan ng makabagong animations ang mga skills ng hero para itugma sa aesthetic ng Bren Esports. Tampok sa mga pagbabagong ginawa ang pag-iwan ng Lancelot ng gold at blue trail matapos gamitin ang Puncture.

Para naman sa Thorned Rose, lumalabas ang isang gintong silhouette sa gilid ng hero pagka-activate ng kaniyang skill. At sa kaniyang ultimate naman na Phantom Execution,  tampok ang Bren Esports logo na lumalabas sa dulo ng area na ginamit niya ang skill.

Kuhanin ang Bren Esports Lancelot sa kahalati ng orihinal na presyo 

Maaaring makuha ang M2 champion epic skin sa halagang 899 diamonds. Gayunpaman, maaaring mapasakamay ito sa mas mababang 599 diamonds kung matatapos ng player ang tasks sa special Mobile Legends pre-sale event.

Bukod dito, maaaring makakuha ng karagdagang discounts ang mga players hanggang 25 diamonds sa pamamagitan ng “asking for friends for help” opsyon.

Kung nais lamang masubukan ang Bren Esports Lancelot skin, maaari din naman makabili ng trial card nito sa halagang 20 diamonds na tatagal ng tatlong araw, o sa halagang 40 diamonds para sa pitong araw na trial.