Role changes, debut ng bagong player at marami pang iba— maasahan daw ng mga miron ang mga ito sa pagbabalik ng BloodThirstyKings sa competitive play. Ito ay ayon kay Michael “MobaZane” Cosgun na inilapag ang update ukol sa BTK roster sa pinakahuli niyang stream sa YouTube.


BTK Roster: FwydChickn sasabak sa EXP, ZIA pupunta sa GOLD lane

Credit: Moonton

Sa nasabing stream, hindi nagpatumpik-tumpik si MobaZane na ilahad ang paglipat ni Ian “FwydChickn” Hohl, ang gold laner ng team, sa kabilang panig ng mapa. Samantala, papalit sa kaniya si ZIA sa nasabing role.

Ayon pa sa BTK jungler, matagal na daw naghahanda si ZIA sa transition niya position 1. “He’s been practicing GOLD ever since after M3 which is pretty good long time which 5,6, 5 and a half months? Long time.”

Credit: Moonton

Hindi rin itinago ng North American player ang posibleng role na gampanan ni Victor sa revamped BTK roster. “Carti might be just a 6th man for now. We’ll see. Might be the 6th man or coach.”

Mababalikan na sa huling pagpapakita ng BTK roster sa entablado, hindi sumalang si Victor para sa koponan. Gayunpaman, napagtagumpayan ng NA team ang SIBOL MLBB team sa kanilang showmatch kamakailan sa RealMe Mobile Legends Cup Season 6 showmatch.

Credit: RealMe

Ukol naman sa maiiwang butas sa kanilang lineup, maaari daw kuhanin ng team ang serbisyo ng isang mage player sa kanilang rehiyon.

Makikita kaya natin si Victor bilang head coach ng BTK roster na ito? Sino kaya ang bagong player na isasalang ng team sa susunod nilang competition?

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Z4pnu: Omega vs RRQ, parang ‘showmatch’ lang