Nag-uumapaw sa prodigy junglers ang eksena sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia. Alam ng top team Bigetron Alpha ito, kaya naman hindi nila pinalagpas ang tiyansang kuhanin ang serbisyo ng dating Genflix Aerowolf core na si Agung “Bottle” Dita.

Malaki ang papasanin ni BTR Bottle ngayong siya na ang tatao sa jungle position na lilisanin ni Jabran “Branz” Bagus Wiloko na lilipat papuntang side lane.

Kukumpletuhin ng batang pro ang all-star lineup ng Bigetron na sasabak sa parating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID S8).

Credit: Moonton

Kakaibang player reveal ang ginawa para kay BTR Bottle sa simula ng MPL ID S8

https://www.instagram.com/p/CQ0xIwmnl-4/?utm_source=ig_embed&ig_rid=da37efa8-f4ee-4e4e-b61e-9adea1a7e39b

Sa isang post ng Bigetron Alpha sa kanilang Instagram account, malikhain ang pagpapakilala sa dating Genflix Aerowolf player na hinalintulad sa isang energy drink. Inaasahan ang bagong jungler na magdadala ng “new energy, new flavor and new power” para sa MPL ID S7 runner ups.

Sa isang panayam kasama ang ONE Esports, ipinaliwanag ni Bigetron Alpha head coach Steve Age kung bakit tyinaga nila ang pag-trade para kay BTR Bottle para sa MPL ID S8.

“We recruited him because we think he is funny in a nice way. He is also very honed and talented in-game,” halong pabiro at seryosong binanggit ng head coach.


Trending ang mga batang junglers

Credit: Muhammed Thalhah/ONE Esports ID

Tampok sa Indonesian eksena ang dominanteng pagpapakita ng mga batang junglers. Matapos ang kanilang opisyal na pagkuha kay BTR Bottle, parte na ngayon ng trend ang Bigetron.

Ang mga junglers tulad ni Ferxiic ng EVOS Legends, Albertt ng RRQ Hosi, at Sanz ng ONIC Esports ay malakas ang dinalang impact sa kani-kanilang kupunan sa kani-kanilang mga pro debuts.

Kamangha-mangha ang ipinakitang performance nina Albertt at Ferxicc na magkasunod na inuwi ang MPL ID kampyonato sa season 6 at season 7.