Nakaiskor ng malinis na 2-0 sweep ang Bigetron Alpha kontra Rebellion Zion sa Week 5 ng MPL Indonesia Season 9.
Nagpakita ng kakaibang laro sina substitute mid laner I Gusti “Bottle” Pramana Cipta Dita at BTR ng kakaibang galawan upang maka-bounce back mula sa pagkatalo sa kamay ng RRQ Hoshi.
Hindi napigilan ng Rebellion Zion ang disiplinadong laro ng Bigetron Alpha

Ang pinaka-kapansin-pansin sa performance ng Bigetron Alpha sa match na ito ay ang pinakita nilang mataas na antas ng kanilang disiplina. Halos hindi nagkamali ang Red Robot army sa naturang serye.
Sa unang laro, kinuha ng BTR ang lahat ng Turtle at Lord objectives. Pagdating naman ng ikalawang laban, nakapag-maintain sila ng lane stability at hindi binigyan ni isang turret ang Rebellion Zion.
Inilahad ni roamer Hengky “Kyy” Kurniawan na ayaw nilang sayangin ang kalamangan na nakuha nila sa early game kaya naman disiplinado silang naglaro.
BTR Bottle sinabing mas magaling pa rin si Renbo
Bukod sa displinadong laro ng Bigetron Alpha, nagpakitang-gilas din si BTR Bottle na sumalang sa ikalawang pagkakataon pa lamang sa MPL ID Season 9.
Nagpasiklab siya sa kanyang Cecilion sa Game 1 kung saan kumana siya ng nakakamanghang 10/1/5 KDA record at 100% kill participation kaya naman siya ang itinanghal na MVP sa nasabing laro.

Sa kabila ng kanyang magandang performance, nanatiling mapagkumbaba si BTR Bottle at sinabi na hindi niya nakikita ang kanyang sarili na mas magaling siya sa kanyang senior na si Deven “Renbo” Markos.
“Renbo itu komunikasinya lebih baik dan permainannya lebih disiplin (Mas maganda ang communication ability ni Renbo at mas disiplinado ang kanyang paglalaro),” saad ni BTR Bottle.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MPL at MLBB news, guides at highlights.
Salin ito ng artikulo ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indoensia.