Ginulat ng Cambodian MLBB Team ang marami sa unang araw ng Mobile Legends: Bang Bang Men’s Division sa 32nd Southeast Asian Games (32nd SEA Games) noong Biyernes, May 12. Sa laro ng Group B, ang MLBB team ng Cambodia ay nagtagumpay laban sa koponan ng Indonesia sa isang matinding laban.

Ang pagtatagpo sa pagitan ng mga koponan ng Cambodia at Indonesia ay talaga namang matindi. Sa kasamaang palad, ilang beses na hindi natapos ni Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar at ng kanyang mga kasama ang kanilang misyon at hindi nila nakuha ang tamang sandali para mabilis na matapos ang laro.

Dahil dito, ang lakas ng draft Cambodian MLBB Team ay naging sobrang epektibo sa late game at sila ay nakapagbaliktad ng sitwasyon laban sa Indonesia. Matagumpay ang isinagawa nilang straight push at wala nang masyadong nagawa pa ng Indonesia, at tuluyang nakuha ng Cambodia ang tagumpay.


Mga simpleng paraan ng pagdomina ng Cambodian MLBB Team kontra Indonesia

Alberttt Team indonesia 32nd SEA Games
Credit: Mobile Legends: Bang Bang

Sa post-match interview kasama ang Esports ID, isa sa mga manlalaro ng Cambodian MLBB Team, ang kanilang Jungler na si Nhem “Detective” Chandavan ay nagbahagi ng mensahe at impresyon matapos ang kanilang tagumpay laban sa Team Indonesia.

Ayon kay Detective, ang nangyari sa laro na iyon ay hindi bahagi ng kanilang plano bilang koponan, at  naganap ang mga ito nang hindi inaasahan.

“No, that was not part of our strategy. But perhaps the strategy depends on the situation as well,” sabi ng jungler.

May ilang pagkakataon kung saan nagawa ng koponan ng Cambodia na depensahan ang straight push ng Indonesia. Naunawaan nila ng situwasyon at sinamantala ang kumpiyansa upang maigting na kontrahin ang straight push ng kalaban.

Dagdag pa niya, ang tagumpay na ito ay resulta ng kanilang matinding pagsisikap sa pagsasanay, dagdag pa ang impluwensya ng kanilang matatag na team chemistry.

Cambodian MLBB Team 32nd SEA Games
Credit: MPL ID

“We worked hard during training and tried our best to perform and respond to these challenges, and we have a strong team chemistry,” kanyang pagtatapos.

Nagpaabot din siya ng lubos na pasasalamat sa mga fans ng Team Cambodia na dumalo at sumuporta sa kanila sa venue.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.