Tumabi ka muna Toy Rex Barats, ang Candy Bear Jawhead ang pinaka-adorable na skin na magpapakita sa Land of Dawn sa susunod na buwan.

Inilabas ng Mobile Legends: Bang Bang ang teaser ng Candy bear Jawhead, ang Starlight skin para sa buwan ng Hunyo, na nagpapakita kung anong itsura ni Jawhead bilang isang laruan.

Anong itsura ng Candy Bear Jawhead?

Sa skin na ito ay pinapakita si Jawhead bilang isang higanteng pink na teddy bear na naglalakad sa battlefield na may dalang candy dispenser na kanyon, at mga higanteng puso sa magkabilang kamay. Meron din syang mga sulat ng crayon sa noo at fairy wings sa likod.

MLBB CandyBearJawhead
Screenshot by Julan Elona/ONE Esports

Binago rin ang itsura ng batang nakasakay kay Jawhead na si Ellie. Naka-bob cut ang kanyang buhok at nakasuot sya ng purple na pyjama, na parang naglalaro lang talaga sila.

Abilities ng Candy Bear Jawhead

May ilang visual upgrades ang nilagay sa skin para bumagay sa playful aesthetic nito. Ang Smart Missiles ay nagpapalipad ng 12 gummy bears na umiilaw habang sa Ejector ay may lumalabas na pink at white na usok habang ibinabato ang mga kalaban.

Sa kanyang ultimate na Unstoppable Force, may lumalabas na umiilaw na star at nagkakaroon ng rainbow trail habang sinusugod ang walang kamalay-malay na kalaban.

Magiging available ang Candy Bear Jawhead sa Starlight section simula June 1.