Noong nakaraan lamang ay pormal na inanyayahan ng MPL-PH ang mga nangangarap na maging Esports broadcaster na makilahok sa tinagurian nilang MPL-PH Caster Search.

Layunin ng naturang programa na mahanap ang pinakabagong boses na magbibigay buhay sa mga sagupaang magaganap sa Celestial Palace.


Anong makukuha ko sa pagsali sa MPL-PH Caster Search?

Kapana-panabik ang matatanggap mo kung mapapasama ka sa Top 8 ng programang ito. Bukod sa tiyansang makapanayam ang mga paborito mong MPL talents ay makatatanggap ka din ng tatlong araw na immersive training.

Pamumunuan din ng mga shoutcasters at analysts ang bootcamp na ito kung saan tatalakayin nila ang iba’t-ibang aspeto ng Esports broadcasting.

Ani ng beteranong caster na si Dan “Leo” Cubangay, oportunidad din ito para linawin sa mga sasali kung ano ba talaga ang pundasyon ng kanilang ginagawa.

“This would be a nice way to show people what we do, how we do it, and maybe find new learnings from the eyes of those aspiring MPL casters.”

Kung ikaw ang tatanghaling panalo sa Caster Search ay maiseselyo mo ang kontrata mula sa MPL-PH para sa paparating na Season 8 kung saan ikaw ang magiging boses sa likod ng balagbagan ng mga top teams!

Mga terms at conditions ng MPL-PH Caster Search ayon sa online form.

Interesado ako. Paano ako sasali?

Ginawang simple ng MPL-PH ang proseso para makalahok sa programang ito. Kailangan mo lamang sagutan ang online registration form kung saan nakapaloob ang lahat ng mga kailangang gawin.

Credit: MPL Philippines Facebook Page

Base sa form, pangunahing requirements ang mga ito:

  • 18-taong gulang pataas ang edad.
  • Hindi brand-exclusive.
  • Residente ng Pilipinas (kahit saan sa Pilipinas).
  • Mahusay sa Filipino o English (mas maganda kung parehong linggwahe).
  • Hindi ilang sa harap ng camera.
  • Maalam tungkol sa Mobile Legends: Bang bang.

Kung pasado sa mga requirements na ito ay aatasan kang ipakilala ang iyong sarili sa isang video kung saan sasabihin mo kung sino ka at kung bakit mo gustong maging parte ng MPL-PH.

Matapos nito ay ipapasubok sayo na i-shoutcast ang video clip na nakapaloob din sa form.


May mga tips ba kayo?

Sa panayam kasama si Leo, binggit niya kung ano sa tingin niya ang mga katangian ng mananalo sa Caster Search.

“Solid communications base, great english and tagalog. Good voice, if not unique? Of course, expected na camera ready, charismatic, strong passion and knowledgable about MLBB, MPL, and esports.”

Bukod dito, ibinahagi ng sikat na caster/analyst na pinakaimportante sa lahat na “teachable” at bukas ang isipan ng sinumang nagnanais manalo.

“The MPL has been around for quite a while, there have been some changes in the way we do the broadcast – so coming in now is going to be quite the rollercoaster – the winner has to be ready to go with the flow and learn along the way.”


Huwag mo ng palampasin ang once in a lifetime na oportunidad na ito! Siguraduhing naisumite mo na ang iyong form bago mag June 27, 6 PM!