Papalapit nang papalapit ang pagbubukas ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID S8), at bantay sarado ng Bigetron Alpha head coach na si Steven “Age” Age ang kompetisyon.

Ayon sa kaniya, kakaiba daw ang kalibreng dala ng superstar jungler ng Alter Ego na si  Eldin Rahadian “Celiboy” Putra kasama ang kaniyang squad sa offseason.

Nag-step up si Celiboy para sa Alter Ego

Credit: Alter Ego and MPL ID

Sa isang livestream ng Planet Esports, ibinahagi ng BTR coach na ang Alter Ego, partikular na si Celiboy, ay nagpapakitang gilas sa mga scrimmage.

“I’m just talking about facts. Celiboy is really good, and it’s not just Rasy stepping up,” ani ni Age.

Nagkomento din si Age tungkol sa dating Onic Esports player na si  Rasy “Rasy” Arga na bagong salta ngayon sa Alter Ego. Pinuri ng coach ang abilidad ni Rasy na makihalubilo at makisama sa bago niyang kupunan.

“Maybe he can help Celiboy become really good,” dagdag ng BTR coach. “I don’t want to vilify players from other teams, but the best jungler in scrims right now is Celiboy.”


Naghahanda ang Alter Ego ngayon para sa MPL ID S8

Credit: Moonton

Hindi lingid sa iba ang ginawang pagpapahirap ng Alter Ego sa dominanteng RRQ Hoshi squad noong MPL ID Season 6. Kaya naman kinatatakutan ang kupunang ito sa kanilang rehiyon. Pinatunayan din nila ang kanilang lakas sa international arena sa pagselyo nila ng ONE Esports MPL Invitational.

Gayunpaman, nahirapan ang kupunan na umabanse sa Season 7 kung saan pinataob sila ng Bigetron Alpha.

Matapos ang pagkuha sa serbisyo ni Rasy galing ONIC Esports, naging mas solido ang lineup ng kupunan ngayon papunta Season 8. 

Kasama si Rasy, ma-aakay kaya ni Celiboy ang Alter Ego papunta sa kampyonato? Abangan sila sa paparating na MPL ID S8.