Nangyari ang isa sa pinakamalaking pre-season moves sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Brazil Season 2 (MPL BR Season 2) noong inanunsyo ng RRQ ang kanilang pagpapalawak sa Brazil kasama ang RRQ Akira. 

Kilala ang Indonesian-based esports organization na RRQ para sa kanilang Mobile Legends: Bang Bang team na RRQ Hoshi. Ang team na ito ay may tatlong championship titles na. 

Sa pagdating ng organisasyon sa Brazil, naniniwala ang RRQ owner na si Andrian Pauline Husen na patungo sila sa tamang direksyon. 

Pinagusapan ng CEO ng RRQ ang kaniyang mga inaasahan para sa RRQ Akira sa MPL BR Season 2 

MLBB M3 World Championship Keyd Stars
Credit: Mobile Legends Esports

Sa isang panayam sa ONE Esports, binanggit ni Husen na plano talaga nilang magpalawak sa labas ng Southeast Asia. 

“After some consideration we thought that Brazil is very suitable for our expansion plan. We also discussed with a lot of partners such as Garena, MOONTON Games, Nimo and many more before we decided to go to Brazil,” sabi niya. 

Sinabi rin niya na ang pag-unlad ng competitive scene sa Brazil ay “very promising,” dahil may isa sa pinakamaraming mobile gamers sa LATAM na rehiyon ang Brazil. 

Maraming mga dating Keyd Stars pro players ang sumali sa RRQ Akira, kung saan dati silang nanalong second place sa MPL BR Season 1. nakatanggap ang team ng isang direktang imbitasyon para sa MPL BR Season 2, at kumpirmadong lalahok sila sa tournament. 

Mga inaasahan ni Husen para sa RRQ Akira 

MLBB RRQ Akira

Sinabi ni Husen ni bukas siya para sa posibilidad na may mga Indonesian players o coaches na lalaro para sa RRQ Akira, at mga Brazilian players na pupunta sa Indonesia para maglaro para sa RRQ Hoshi at vice versa. 

Para naman sa management ng team, naniniwala siya sa mga management ng team sa mga Brazilians, ngunit kinokonsidera din niya na magpadala ng mga tao mula sa Indonesia para tumulong. 

“If necessary, yes we can consider that option. But for now, they already have their own manager and coach, so we will see in the future what can we add to the team,” sabi ni Husen. “We hope the future will be bright for our expansion in Brazil.” 

Noong tinanong kung ano ang inisyal na target ng organisasyon para sa MPL BR Season 2, isang salita lang ang sinabi ng RRQ CEO — “champion.” 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at updates tungkol sa MPL. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, RRQ’s CEO confident RRQ Akira will win MPL BR Season 2.