Si Chang’e, na isa sa pinakamalakas na mage ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang, ay hinambalos ng nerf hammer sa huling MLBB patch 1.5.84 na live na sa advanced server.

Ayon sa patch notes, napagdesisyunan ni Moonton na pahinain ang dalawa sa kanyang damaging abilities. Kahit hindi ganun kalaki ang pagbabago, siguradong mararamdaman pa rin ito lalo na bandang late game.

Chang'e MLBB patch 1.5.84

Ano ang mga nabago kay Chang’e sa MLBB patch 1.5.84?

First skill – Starmoon Shockwave

  • Base damage binawasan, dating 300-500, ngayon 300-450 na lang

Ultimate – Meteor Shower

  • Movement speed boost binawasan dating 20%, ngayon 10% na lang

Paano maapektuhan ng MLBB patch 1.5.84 ang kanyang playstyle?

Kaya ni Chang’e na lumusaw ng mga kalabang nasa mali ang posisyon. Mataas ang damage ng kanyang Meteor Shower at kaya nitong pumatay ng kahit sinong hero kung sasaluhin ang buo nitong duration.

Makati rin sa late game si Chang’e dahil pwedeng ipang-defend sa high ground o ipangkuha ng high ground ang mga abilities nitong Starmoon Shockwave at ang nabanggit na SS.

Pinakita ni Ribo ng Bren Esports ang lakas ni Chang’e nang gamitin niya ito kontra Blacklist International noong regular season ng nagdaang Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 7.

Sa paghaharap na ito lang tanging natalo ang kalauna’y champions at malaki ang naging imbag ng Chang’e ni Ribo para maisakatuparan ito.

Malamang ay maiiba rin ang paraan kung paano lalaruin si Chang’e sa ranked games. Kahit na kasi pareho pa rin ang kanyang lakas sa early game, ang pinabagal na movement speed ng Meteor Shower at pinahinang damage ng Starmoon Shockwave ay magiging kapuna-puna pag umabot na sa level 15.

Makikita ang buong advanced server patch notes sa opisyal na Facebook page ng Mobile Legends: Bang Bang.