Wala nang ikakabaliw pa ang mga kalokohan ni Edgar “ChooxTv” Dumali sa Mobile Legends: Bang Bang

Sa isa sa kaniyang mga YouTube videos, nilock in ng sikat na “meta creator” ang isang kakaibang pick – si EXP lane Granger. Bagamat may pinakamataas na base damage sa laro si Granger, madalas ginagamit ang Death Chanter bilang isang jungler o gold laner. 

Ang kakaibang EXP lane Granger pick ni ChooxTv sa Mobile Legends: Bang Bang 

MLBB Granger ChooxTv build
Credit: Moonton

Kadalasang nasa EXP lane ang mga bruisers at tank heroes dahil sa kanilang pakinabang pag nakamit na nila ang level four. Kaya rin ng mga EXP laners ang pag-laning nang mag-isa at pag-split push kung kinakailangan. 

Napatunayan ni ChooxTv na ang iasng squishy marksman tulad ni Granger ay may kakayahan maging isang EXP laner. Kinalaban nito si Zilong, at nagpokus ang enemy team sa kaniyang lane at agresibo silang nag-push. Nagwagi sila, at nakuha nila ang unang tower ng laro. 

Ngunit sa oras na nakumpleto na niya ang kaniyang Blade of Heptaseas bilang kaniyang unang item, malaki ang tinaas ng kaniyang damage. Nag-killing spree siya, at nakakuha ng perpektong 6/0/3 KDA sa ilalim ng 10 minutes. 

Napanatili niya ang kaniyang pagiging kalmado sa buong tagilid na match, at nagtapos siya nang may 11/1/14 KDA. 

Best build ni ChooxTv para kay Granger sa EXP lane 

Para sa kaniyang item build, pumili siya ng kaniyang madalas na purong offensive marksman build. 

Ang pinagkaiba lang ng kaniyang paggamit kay Granger sa EXP lane sa isang jungler o gold laner ay ang napiling emblem. Sa halip na gamitin ang Killing Spree assassin emblem o Weakness Finder marksman emblem, pinili niya ang Disabling Strike sa fighter emblem tree. 

  • Blade of Heptaseas 
  • Magic Shoes 
  • Bloodlust Axe 
  • Blade of Despair 
  • Malefic Roar 
  • Immortality 

Panoorin ang full video dito. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, ChooxTv’s EXP lane Granger proves just how incredibly flexible he is.