Ang pag-build ng full tank items sa isang marksman hero ay hindi nirerekomenda kung gusto mong manalo sa mga Mobile Legends: Bang Bang games mo… o hindi ba talaga?

Nisurpresa na naman tayo muli ni Edgar “ChooxTv” Dumali sa kaniyang isa pang unique na hero build, at ito ay nasa isang marksman hero na hindi natin inaasahan—si Clint.

Ang kakaibang tank Clint gameplay ni ChooxTv sa Mobile Legends 

Clint build ni ChooxTv
Credit: Moonton

Inupload niya ang kaniyang nakakaaliw na gameplay sa YouTube, at pinakita niya dito ang gunslinger ng may interesanteng item build.

Parehas na nahirapan sila ng Hanabi sa laning phase laban ang Paquito at Miya sa gold lane. Ngunit ang innate damage ng Clint ay naging sapat para makakuha sila ng kaonting kills bago matapos ang 10-minute mark.

Sa huli, nanalo ang kanilang team, at natapos ni ChooxTv ang laro ng may 2/5/12 KDA sa total na 42 team kills.

Bagamat hindi ito ang pinakamalakas na laro niya, pinatunayan niya na ang pag-build ni Clint gamit ang tank items ay posible dahil ang kaniyang base damage ay mataas na kumpara sa ibang marksman heroes. 

Hinarap din niya ang iilan sa pinakamabangis na damage dealers sa Mobile Legends: Bang Bang tulad ni Paquito, Miya, Vale, at Zilong. Ngunit kahit na ganoon ang sitwasyon, limang beses lang siya namatay, at ito ay kahanga-hanga na dahil walang peelers o solid tanks ang kaniyang team.

Ang best build para sa tank Clint ni ChooxTv sa Mobile Legends 

Ang ibang marksman heroes tulad ni Granger ay may laban na kung mayroon silang isa o dalawang defensive items tulad ng Bruteforce Breastplate. Para kay ChooxTv, nagdesisyon siyang mag-all-in tank items hanggang sa kaniyang final build para kay Clint.

Sa match na ito, inuna niya ang Thunder Belt. Pagkatapos niyan, gumamit siya ng usual na tank items tulad ng Antique Cuirass at Athena’s Shield.

  • Warrior Boots 
  • Thunder Belt 
  • Antique Cuirass 
  • Athena’s Shield 
  • Immortality 
  • Bruteforce Breastplate