Pinakita ni Todak star jungler Danial “Ciku” Fuad na isa siya sa mga kapana-panabik na panoorin sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia (MPL MY) Season 8 matapos gumamit ng Hylos at Akai kontra sa Red Esports.

Sobrang bihira ng paggamit ng tank heroes bilang jungler sa Mobile Legends lalo na sa competitive level kung saan madalas ginagamit ang mga assassin at marksman para sa naturang posisyon.

Kaya naman bago sa mata ng fans ng MLBB pro scene ang ginawang ito ng Todak standout.


Ang mabangis na laro ni Ciku laban sa Red Esports sa MPL MY Season 8

Credit: Todak

Sa unang laro, pinili ni Ciku ang Hylos na sumorpresa sa mga caster at manonood. Isang Hylos, na kilalang defensive-heavy iniator, bilang isang jungler sa competitive scene? Mahirap paniwalaan.

Naipanalo ng Todak ang Game 1 sa loob ng 12 minuto at nakapagtala si Ciku gamit ang Hylos ng 2/2/10 KDA. Hindi na masama ang stat line na ‘to para sa isang jungle Hylos.

Item build ni Ciku sa kanyang jungle Hylos

  • Tough Boots with Ice Retribution
  • Clock of Destiny
  • Oracle
  • Bruteforce Breastplate
  • Dreadnaught Armor

Plinano pa ni Ciku na bumuo ng Antique Cuirass matapos bumili ng Dreadnaught Armor. Maaaring Immortality ang kanyang huling item dahil pinili niyang sundin ang standard tank build kay Hylos.


Jungle Akai naman sa Game 2

Credit: Moonton

Kung naisip niyong tapos nang mag-eksperimento si Ciku, kinuha naman niya sa Game 2 ang Akai na isa na namang tank hero na hindi o bihirang nilalaro bilang jungler sa ranked o competitive play man.

Kahit na mas mahina ang damage at kill potential nito, nagawa niyang magpasiklab gamit ang Panda hero. Naselyo ng Todak ang panalo sa loob na naman ng 12 minute sa Game 2 kung saan perpektong rekord na 1/0/8 ang nailista niya.

Nahirapan ang Red Esports na patumbahin si Ciku dahil sa kanyang malikot na paglalaro samahan pa ng tanky items.

Item build ni Ciku sa kanyang jungle Akai

  • Tough Boots with Ice Retribution
  • Radiant Armor
  • Bruteforce Breastplate
  • Athena’s Shield

Hindi na niya nabili ang kanyang dalawang huling item dahil natapos na ang laro. Sa sitwasyong ito, ang pagbuo ng Guardian Helmet at Immortality ang pinakaayos na bilhin kung tatagal pa ang laro nang 10 minuto.


Basahin ang orihinal na artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.