Ilang araw bago opisyal na magsimula ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021 (MSC 2021), nagpahayag ng pananampalataya sina Coach Francis “Duckey” Glindro at Coach Steven “DaleDalus” Vitug sa mga PH teams na sasabak sa international na kumpetisyon.
Sa panayam kasama ang OneEsports PH, binanggit ng dalawang pinaka-tinitingalang personalidad sa eksena kung gaano sila kakumpidente sa Blacklist International at Execration.
Ayon kay Coach Dale, kakaiba ang kargada ng parehong pinoy representatives kaya naman mataas ang tiyansang isa sa kanila ang makakapag-uwi ng tropeyo.
“Execration, kakaibang lason talaga yan [sila] kapag naglalaro. Yung Blacklist naman, marunong silang humawak ng momentum. Yan yung mga key factors na wala sa teams sa ibang bansa.
Banggit din ng M2-veteran coach na bukod sa PH teams, dapat ding antabayanan ang Bigetron Alpha at EVOS Legends.
Matatandaang mula sa nakaraang MSC 2021 Live Draw, makakasama ng Blacklist ang Bigetron sa Group C. Sa Group Stage Phase 1 – Day 1 ng MSC 2021 ay magkakaalaman na agad kung sino ang mas matikas.

Sa kabilang banda, kumpiyansa si Coach Duckey na kayang-kaya ng dalawang PH reps na kuhanin ulit ang MSC para sa bansa. “Either can clinch the trophy if they both play it smart.”
Dagdag din ng M2 World Championship coach na pinakamalaking contender talaga ang MPL-PH S7 winner na Blacklist International.
“I have to give it to Blacklist International. This is their patch, they exploited all bits and pieces and everyone made a bootleg copy of it.”
Tampok sa MPL-PH Season 7 ang sustain strategy na pinauso ng Blacklist na binansagang “Nice One Baby” strat.
Suportahan ang ating mga pambato sa darating na MSC 2021 ngayong June 7-13!