Matapos dumaan sa isang serye ng national selection process, pitong players ang napili para irepresenta ang Indonesia para sa SEA Games. 

Sa 24 na kandidato para sa MLBB national team, ang pitong iyon ang nahirang the best at pasok sa critera ng team ng Coach Jamesss. Gusto mo ba malaman kung ano ang main criteria niya? 

Hindi skills ang main criterion para sa MLBB national team players 

MLBB Coach Jamesss RRQ Hoshi
credit: Instagram/rrq_jamesss

Nakatanggap ng publikong atensyon si Coach Jamess noong dumayo siya sa pangalawang matchday ng pang-limang linggo ng MPL ID Season 9. Pinaguusapan na pumunta siya doon para panoorin ang RRQ Hoshi vs ONIC Esports match, dahil karamihan sa MLBB national team ay nanggaling doon. 

Sa gitna ng mga matches, nakausap ng ONE Esports si Coach Jamesss tungkol sa MLBB national team, at isa sa mga paksa ng usapan ay ang main criterion sa pagpili ng mga players. 

Ibinunyag ng Singaporean coach na mas inuuna niya ang ugali kaysa sa skill. 

 
“Skills can be trained, but attitudes can’t. Forming an attitude takes a long time, while we only have a short time,” sabi ni Coach Jamesss.  

Sinabi rin ng coach na nag-award ng dalawang MPL titles sa RRQ Hoshi na, “In this short time forming an attitude will only give you a headache. Therefore, it is better to choose players with good skills, good attitude, and we can focus on the game.” 

MLBB national team roster para sa SEA Games 

MLBB SEA Games
Credit: PBESI

Sinakop ng tatlong malalaking Indonesian teams ang lineup na napili ni Coach Jamesss. Ang mga teams na ‘to ay ang RRQ Hoshi, ONIC Esports, at EVOS Legends. 


MLBB national team roster: 
 
Calvin “CW” Winata 
Gilang “Sanz” 
Nicky “Kiboy” Fernando 
Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar 
Rivaldi “R7” Fatah 
Calvin “Vynn” 
Ihsan Besari “Luminaire” Kusudana 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagadgang balita, gabay, at highlights tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang.