Matapos tulungan ang RSG Philippines na maselyo ang 1st place ranking sa MPL Philippines Season 9 regular season, marami ang nagpapalagay na ang roamer na si Dylan “Light” Catipon ang player na makapag-uuwi ng MVP of the Season gantimpala.

Isa na dito ang kaniyang coach na si Brian “Panda” Lim na hinarap ang mga miron kasama si RSG Light sa post-match interview matapos walisin ang ONIC Philippines, 2-0 sa Week 8 Day 2 bakbakan.


Inilahad ni Coach Panda ang pinagdaanan ni RSG Light bago makapasok ng RSG PH

Credit: MPL Philippines

Sa nasabing panayam, inilarawan muna ni Coach Panda kung ano ang naging proseso bago opisyal na makapasok ng koponan ang magilas na roamer. Kuwento niya, “When Light first came to the team, he actually had to go through a 3-day tryouts and then he stayed in the bootcamp and he was also bonding, trying out those 3 days. After that I accepted him.”

Hindi lamang daw dahil sa kaniyang personalidad kung bakit nagustuhan ng coach ang dating TNC Pro Team ML standout, kundi dahil sa kaniyang in-game sense at mechanics. Higit sa lahat, napabilib da si Coach Panda sa sipag at tiyaga ng batang esports pro.

“But the one thing I really appreciate is he is so hardworking. If the players are waking up at 12 PM, before he used to wake up at 9am, 10am. He’s so disciplined. That’s why I really like Light.”

Dahil din dito, nanindinigan si Panda na nararapat si RSG Light na siyang magawaran ng pinakamalaking indibidwal na gantimpala sa MPL PH. “And I’m not being biased. Actually I am being biased because I’m his coach, but honestly si Light, he really deserves the MVP of the Season no matter what because his dedication and hard work is just unbelievable,” panapos ng beteranong coach.

Credit: MPL Philippines

Si RSG Light naman, nanatiling mapagkumbaba sa gitna ng alingawngaw ng kaniyang pangalan bilang Regular Season MVP.

“Nung una po di ko po siya ramdam na ay pang-season MVP ako. Ganto, ganyan. Tingin ko average lang ako. Nagulat ako tapos ako yung inaano nila, si Light okay din yung galaw. Tapos parang ganon. Kaya masaya ako nagpapay off yung hardwork ko,” ani ng roamer.

Igagawad ang Regular Season MVP ng MPL PH Season 9 ngayong ika-12 ng Abril.

Makukuha ba ni RSG Light ang gantimpala? Subaybayan pinakahuling balita sa pamamagitan ng pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ganito hihirangin ang Regular Season MVP ng MPL PH ngayong Season 9