Kung may salitang makapaglalarawan sa kampanya ng ONIC Philippines ngayong MPL Philippines Season 8, isang pang-uri lamang ang marahil na aangkop dito.

Malinis.

Gaano kalinis? Isa ang ONIC PH sa dalawang kupunan na hindi pa nadudungisan ang series win-loss record sa liga.

Kahit pa kasama nila ang defending champions na Blacklist International na maryoon ding 4-0 tala, solo first ang ONIC PH sa standings na may kabuuang 11 points matapos ang Week 2.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

At hindi biro ang magsimula na may 8 wins at 1 loss game record. Gayunpaman, diretso ang tingin ng kupunan ayon kay Coach Denver “Yeb” Miranda na nakatuon ang pansin sa mga susunod nilang makakasagupa.


Hindi nagpapa-pressure na manatili sa taas ng standings’ ayon kay Coach Yeb

Credit: ONE Esports Philippines Facebook

Matapos ang magilas na Week 2 showing kung saan dinispatya nila ang Nexplay EVOS at TNC Pro Team ML sa parehong 2-0 serye, kinamusta ng ONE Esports PH si Coach Yeb para alamin ang kalagayan ng kupunan.

Aniya, hindi nagpapa-pressure ang ONIC na manatili bilang league leaders, “May pros and cons ang pagtingin sa leaderboard, pero hindi makakatulong pag nagpa-pressure kami na ma-retain ang top spot.” Dagdag pa niya, disiplina, good decision-making at pagiging cooperative ang nagdala sa kanila sa posisyong ito.

“Even though malalakas na sila individually, willing parin silang matuto sa coaching staff and most importantly. Importante din yung pagdadasal at siyempre hindi mawawala yung pageenjoy namin habang naglalaro.”


Dapat abangan kung sino ang isasalang ni Coach Yeb sa Jungler position

Credit: ONIC Philippines

Marami ang nagulat noong Week 1 nang isalang ni Coach Yeb ang kaniyang midlaner na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa core position.

Hindi naman ipinahiya ni Kairi ang kaniyang bagong coach matapos niyang magpakitang-gilas sa Ling at Harley picks para sa 2-0 record sa unang linggo ng MPL. Susi rin si Kairi sa Week 2 ng ONIC na tumulong ilista ang dalawang series sweeps.

Ngunit banggit ni Coach Yeb, hindi ganito palagi ang magiging setup ng lineup ng kaniyang kupunan. Ibinahagi niya na may rason kung bakit iniikot niya ng roster.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

“Actually, pagdating ko sa Onic PH, decided na ako na gawing jungler si Kairi at palitan sila ni Hate. Since multi-role si Hate ginamit ko din sya sa gold lane.”

Diin ng ONIC PH coach, antabayanan nalang ng mga fans kung anong lineup ang isasalang niya para sa kanilang mga matchups.

“Yes, Kairi is a very good jungler pero keep in mind na Hate is also a very strong jungler.”

Sundan ang mga ekslusibong istorya katulad nito sa pamamagitan ng pag-follow sa opisyal na Facebook page ng ONE Esports PH!