Tampok sa kalalabas pa lamang na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021 primer ang mga kilalang miyembro ng mga kupunan galing sa Pilipinas at Malaysia.

Sa primer na pinamagatang “Connected by Pride”, kinuwento ng mga PH at MY reps kung saan at paano sila nagsimula, at kung anu-ano ang kanilang mga karanasan bilang mga pro players sa kani-kanilang bansa.

Bida sa nasabing bidyo si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ng Blacklist International na matapang na nagbahagi ng kaniyang opinyon tungkol sa uri ng eksena na meron sa Pinas.

Credit: Mobile Legends: Bang Bang Official Youtube channel

“Sa ngayon, talagang sobrang lumaki na yung MLBB sa Pilipinas and masasabi ko yung effect nito sa Filipino eSports fans is somewhat like a double-edged sword,” sabi ng pro player na tubong Antipolo.

Sa kabilang banda naman, kinuwento nina Kiel VJ “kielvj” Hernandez ng Execration at Muhammad Danial Bin Mohamad “Ciku” Fuad ng Todak ang kanilang mga biyahe papuntang pro.

Credit: Mobile Legends: Bang Bang Official Youtube channel

Tungkol naman sa salpukan na magaganap sa MSC 2021, banggit ni Ahmad Ali “Leixia” Huazifi ng RSG MY na inaantabayanan niya ng mga teams galing sa Pilipinas at Indonesia.

“For me, I love to face against strong teams like those from the Philippines and Indonesia.”

Gayundin ang saloobin nina OhMyV33nus, kielvj at Ciku.

Ani ni Ciku “The one team that we would want to play the most is Blacklist International from the Philippines because the Philippines always come up with unusual meta in MLBB.”‘

Credit: Mobile Legends: Bang Bang Official Youtube channel

Mainit ang bitaw ng jungler ng Todak bilang panapos sa interview ” We will then see who can come up with a stronger meta composition.”

Banggit naman ni kielvj, tinitignan nilang maigi ang Todak lalo na sa magandang pagpapakita nila noong M2 Worlds. “Parang ang-weird po ng mga picks nila pero nakakalason. Nakakatalo po.”

Panoorin ang “Connected by Pride” sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito.