Makakatanggap na naman ng isa pang makeover ang Twilight Goddess sa Mobile Legends: Bang Bang – ang Epic skin ni Lunox na Dawn Revelation ay ang pang-pitong pagbabago ng hero na ito.

Tinukso ang skin na ito sa YouTube page ng Mobile Legends: Bang Bang. Di tulad ng kaniyang dating Eyes of Eternity skin kung saan siya ay isang kontrabida, mas positibo na ang imahe ng mage hero bilang Dawn Revelation Lunox.

Preview ng bagong Epic skin, Dawn Revelation Lunox

Sa skin na ito, may suot si Lunox na isang violet at puting damit tulad sa Thunder Flash skin ni Selena.

Mayroon din siyang pakpak na pinakakita ang mga dual skill sets ni Lunox. Sa kaniyang kanan, ang chaos wing ay kulay violet ay mayroong mystical feel. Sa kaliwa naman, ang kaniyang order wing ay makulay at sumasalamin sa kaniyang skill set.

Dawn Revelation Lunox skin
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Epic skin Dawn Revelation Lunox skill effects preview

Nauri bilang isang Epic skin, ang skin na ito ay magpapakita ng maraming pagbabago sa kaniyang mga skills. Siya ay makuilay na glitch trails kapag gumagamit siya ng Starlight Pulse, Chaos Assault, at Cosmic Fission.

Para naman sa kaniyang ultimate skills, mayroong mas detalyadong gintong design ang Power of Order: Brilliance sa lugar na umeepekto ito. Para naman sa Power of Order: Darkening, nagpapakawala siya ng asul na mga tipak sa kalaban sa bawat dash.

Magiging available ang Dawn Revelation Lunox sa Mobile Legends: Bang Bang sa in-game shop.