Benedetta mains, para sa inyo ‘to!

Inilabas ng Mobile Legends: Bang Bang ang trailer para sa Death Oath Benedetta, ang pinakabagong  grand collector skin na darating sa Land of Dawn.

Hitsura ng Death Oath Benedetta

Sa official trailer, makikita si Benedetta na lumalaban sa iba’t ibang klaseng halimaw, kagaya ng sa Demonlord skin ni Valir.

Ipinakita rin sa trailer ang 360-degree view ng bagong skin ni Benedetta. Tulad ng nakasaad sa pangalan, si Benedetta ay nakasuot ng dark violet na kasuotan na may bakal na baluti sa kanyang kaliwang braso, at mukhang handing lumaban sa mga lamang-lumang at mga masasamang elemento.

Meron din syang putting buhok na may violet highlights. Ang pinakamagandang parte ng skin na ‘to ay ang kanyang espada, na mukhang may sariling buhay at may sa demonyo.

MLBB DeathOathBenedetta Sword
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Abilities ng Death Oath Benedetta

Karamihan sa kanyang mga skills tulad ng Alectop: Final Blow at Eye For an Eye ay meron nang mga violet na outlines imbis na karaniwang black at white lamang. Lahat din ng kanyang skills ay merong violet na usok na talaga namang nakakatakot tignan.

Abangan ang paglabas ng Death Oath Benedetta sa in-game store.