Inanunsyo ng Moonton ang lokasyon kung saan gaganapin ang M4 World Championship, ang pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang tournament.

Sa isang video na in-upload sa opisyal na Mobile Legends Esports page Sabado ng gabi, ibinunyag na sa Jakarta, Indonesia nakatakdang iraos ang ika-apat na M-series tournament. Ito ang unang beses na iho-host sa bansa ang naturang palakasan na gaganapin simula ika-isa hanggang ika-15 ng Enero 2023.

Kilala ang Indonesia bilang isa sa mga bansang may pinakamalaking fan at player base ng MLBB. Kaya’t matapos maudlot ang naunang balak na ganapin ang M2 World Championship sa naturang bansa dahil sa COVID-19 pandemic, matutuloy na ito sa wakas sa susunod na taon.

16 na koponan tampok sa M4 World Championship

Pagdepensa ng Pinas sa M4 World Championship gaganapin sa Indonesia
Credit: Moonton

16 na koponan mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang magpapaligsahan sa M4 World Championship. Kabilang na dito ang Pilipinas, na kasalukuyang may hawak ng titulo matapos ang tagumpay ng Blacklist International noong M3 World Championship.

Narito ang kumpletong listahan ng mga bansang kalahok:

BANSAQUALIFYING TOURNAMENT
INDONESIANMPL INDONESIA
PHILIPPINESMPL PHILIPPINES
MALAYSIAMPL MALAYSIA
SINGAPOREMPL SINGAPORE
CAMBODIAMPL CAMBODIA
MIDDLE EASTMPL MENA
MYANMARMYANMAR QUALIFIER
TURKEYTURKEY
NORTH AMERICANORTH AMERICA
LATAMMLSL
BRAZILMPL BRAZIL
THAILAND, LAOS, AND VIETNAMMEKONG QUALIFIER

USD$800,000, o tumatagingting na PHP₱44,760,000.00, ang prize pool na paglalaban-labanan ng mga kalahok sa M4 World Championship.

Inaasahang maglalabas pa ng karagdagang detalye ang Moonton patungkol sa opisyal na venue maging sa presyo ng tiket.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 10: Storylines, schedule, resulta, format, at saan mapapanood