Hindi muna magagamit ang pamosong roam pick na Diggie sa MPL Philippines Season 11 Playoffs, anunsyo ng Moonton. Paliwanag ng Moonton PR Manager na si Keith Medrano, may bug daw kasing natagpuan sa support hero.

Naabisuhan na ang mga koponan ukol sa Diggie Ban sa MPL PH S11 Playoffs

Banggit ni Medrano sa media, “We’ve observed a bug related to Diggie’s lock settings and egg mechanic. With this, Diggie will be banned from tournament use for one week starting today.”

Credit: ONE Esports

Gayunpaman, naabisuhan naman na daw ang mga koponan bago gumulong ang inaantabayanang postseason play.

Inaasahan na malaki ang magiging epekto nito sa drafting partikular na sa teams tulad ng defending champions Blacklist International na paborito ang hero sa roam.

Para sa pinakahuling updates ukol sa MPL PH, i-like at i-follow lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Coach MTB inihayag kung paano nagawa ng Blacklist manatili sa top 3 ng MPL PH S11 standings