Magsasama ngunit sa magkabilang panig ang dating Nexplay EVOS teammates na sina Tristan “Yawi” Cabrebra at Renejay “RENEJAY” Barcase sa bakbakang ECHO at NXPE sa Week 4 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH Season 9).

Susubukang ipagpatuloy ni Yawi at ng kaniyang “Super Team” ang dominanteng kampanya ngayong season kung saan nanatili silang undefeated, habang tatangkain naman pataubin ni RENEJAY at ng kaniyang Nexplay EVOS ang bapor na minamaneho ng kaniyang former teammate.


Ito ang sinasabi ng stats sa tapatan ng ECHO at NXPE


ECHONexplay EVOS
S9 Win Rate(Game)90.91%58.33%
History win/lose with each other (Since S8) (Games won by each team)04
First Blood Count105
Team Damage/Min118739308
KDA Average7.054
Ave. Kills/Game15.1810.08
Lords Slain/Game1.451.33
Turles Slain/Game1.551.67

Masalimuot man ang record ng ECHO kontra Nexplay noong nakaraang season (kung saan 0-4 sila kontra sa makaktapat na team), pinapatunayan ng koponan ni Coach Michael “Arcadia” Bocado na ibang lebel ang kanilang atake ngayong Season 9. Bukod-tangi ang koponan na nanatiling walang bahid ng pagkatalo sa 5-0 record na pagsisikapan nilang ipagpatuloy sa harap ng NXPE.

Credit: MPL Philippines

Sa kabilang panig, hindi lamang ang pagkatalo sa kamay ng Smart Omega noong Week 3 ang susubukang bawiin ng koponan ni John Michael “Zico” Dizon. Tatangkain din ng team na pagulungin sa putikan ang koponang kinabibilangan ngayon ng dati nilang roamer.

Kung pagbabasihan ang pinakahuling stats mula sa MPL PH, malaki ang kalamangan ng ECHO kumpara sa NXPE pagdating sa First Blood Count, KDA Average at Average Kills per Game. Ibig sabihin nito, mas maraming beses na nakakalamang ang koponan ni Yawi sa early game, at mas agresibo sila sa pagkuha ng kills mula sa team fights.

Gayunpaman, hindi naman malayo ang numero sa objective-taking ng ECHO at NXPE. Pagdating sa stats hinggil sa Lords Slain/Game at Turtles Slain/Game, 1.45 kontra 1.33 at 1.55 kontra 1.67 ang bilang para sa bawat koponan. Mula dito, masasabing magkatumbas lamang ang kanilang abilidad at prayoridad sa pagkuha ng nasabing objectives.

Gayundin ang obserbasyon sa stats sa Towers Destroyed kung saan may 84 ang ECHO at may 79 naman ang Nexplay.


Tampok sa ECHO at NXPE tapatan ang banggaan ni Yawi at RENEJAY

Credit: MPL Philippines

Inaantabayanan ang paghaharap ng former teammates na sina Yawi at RENEJAY sa star match ng ECHO at NXPE sa Week 4 ng MPL PH. Mababalikan na naging ulo ng mgaa balita ng sumanib si Yawi katuwang nina Karl “KarTzy” Nepomuceno at Frediemar “3MarTzy” Serafico sa Orca team.

Kasunod nito, tuluyan ng nabuwag ang tinaguriang “Big 3” ng Nexplay na sinandalan ng koponan sa simula noong opisyal itong sumabak sa liga.

Bagamat nanatiling magkasundo ang dalawa, hindi maitatanggi na magiging mainit ang tapatan ng pros kasabay pa ng paglipat ni RENEJAY sa support position. Kung pagbabasehan muli ang pinakahuling bilang, numero uno si Yawi sa larangan ng assists kung saan nakapagtala siya ng 100 total assists matapos ang Week 3. Sa kabilang banda, pangatlo naman sa Teamfight Participation si RENAJAY na nagtala ng 81.67%.

Hindi malabong maging showdown ng dalawang roamers ang magaganap sa bakabakang ECHO at NXPE sa Day 3.

Sundan ang pinakahuling balita sa MPL sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Ang silent killer na si ECHO KurTzy ang MVP ng Week 3 ng MPL PH S9