Bibida sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 8 ang preskong Echo team na dadalhin ang dating Aura Philippines roster.

Kinumpirma ito ng MPL PH Season 4 at Season 5 champions sa isang anunsiyo sa Facebook. Pinangalanan din sa inilabas na video ang mga player na nadagdag, gayundin ang mga nawala sa opisyal na roster.


Opisyal na Echo roster

Katatampukan ng preskong Echo squad ang mga Aura PH mainstays na sina Christian “Rafflesia” Fajura, Benedict “Bennyqt” Gonzales, at Mark “Hadess” Lazaro.

Sasamahan sila ng Laus Playbook Esports standout na si Joshua “Aspect” Tating at ng mga beteranong sina Jay “Jaymeister” Torculas at Jankurt “KurTzy” Matira.

Kukumpletuhin ang Echo lineup nina Aaron “AaronQT” Lim, Kenneth “FlySolo” Coloma at mga rookies na si Invoker at RK3. Raratsada ang Echo squad na ito sa gabay ng mga coaches na sina Steven “Dale” Vitug at Michael “Arcadia” Bocado.


Pagbabago sa lineup mula sa MPL PH S7

Maraming nadagdag at marami ring nawala para sa dating kupunan ng Aura.

Siguradong ma-mimiss ng mga taga-suporta ng kupunan ang beteranong si Jaypee “Jaypee” Dela Cruz na kinumpiramang magreretiro na mula sa pro play.

Litrato ni Tammy David / Evident

Susi si Jaypee sa magkasunod na kampyonato ng Sunsparks (na naging Aura PH at ngayon ay Echo) kung saan ipinakita niya ang kakaibang lebel ng flexbility sa kaniyang mga hero picks.

Sa kabilang banda naman, hindi muna maglalaro si Ashley “Killuash” Cruz para sa kupunan ngayong season, habang si Allen “Greed” Baloy naman ay sumanib na sa ONIC PH.

Mula #AuraFire papuntang #EchoLoud

Hindi lang ang kulay ang nagbago para sa dating Aura PH team. Sa nakaraang dalawang MPL PH season, ang Indonesian Esports company na Aura Esports ang sumuporta sa kupunan.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports

Para sa season 8, babalagbag na ang dating back-to-back champions kasama ang Echo na isang lokal na organisasyon. Katuwang nito, magiging isa ang kupunan na ito sa maliit na bilang ng teams na sinusuportahan ng lokal na brand.

Siguraduhing naka-like at follow sa opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga pinakahuling kaganapan sa MPL PH!