Babandera ang betaranong roamer na si Jaypee “Jaypee” Dela Cruz at MDL PH standout na si Justine “Zaida” Palma para sa hanay ng ECHO sa darating ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023.

Ito ay ayon sa inilabas na social media post ng koponan kahapon, kung saan isinapinal nila ang listahan ng mga manlalarong isasalang nila sa gugulong na international tournament ngayong Hunyo sa Phom Pehn, Cambodia.

Credit: ONE Esports / MPL Philippines

Susubukang palakasin lalo nina Jaypee at Zaida ang ECHO main five na sariwa pa sa kanilang tagumpay sa MPL Philippines Season 11, at bago ito, ang M4 World Championship.

Credit: MPL Philippines

Tatangkain ng mga bagong adisyon sa roster na ipagpatuloy ang pambihira nilang play na tumulong sa ECHO Proud na makamit ang kampeonato ng unang edisyon ng MDL PH.


Roster ng ECHO para sa darating na MSC 2023

Credit: ONE Esports / MPL Philippines
  • Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno
  • Frederic Benedict “Bennyqt” Gonzales
  • Sanford “Sanford” Vinuya
  • Tristan “Yawi” Cabrera
  • Alston “Sanji” Pabico
  • Jaypee “Jaypee” Dela Cruz
  • Justine “Zaida” Palma

Makibalita sa mga pinakahuli sa MLBB esports sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Egyptian squad na Team Occupy ang kakatawan sa MENA sa MSC 2023