Hindi napigilan ng TNC Pro Team ML ang pagragasa ng ECHO Express sa Week 7 Day 2 match nila sa MPL Philippines Season 10.

Kinailangan lamang ng koponan ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno ng dalawang laro para pauwiing nangangatog ang Phoenix Army, 2-0, at mapahaba ang kanilang winning streak sa limang laro.


ECHO bumalik sa two-fighter setup para kumpletuhin ang sweep kontra TNC

Credit: MPL Philippines

Bagamat no-bearing na ang laban para sa TNC, mahalaga ang puntos na malilikom ng ECHO para mapataas ang kanilang tiyansa na makalawit ang upper bracket sa paparating na playoffs. Kaya naman, nilubos ng Purple Orcas ang pagkakataon para makuha ang sweep at maitala ang adisyunal na 3 points.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Unang mapa pa lamang ay kitang-kita na ang kaibahan ng kalibre dalawang teams. Bagamat hawak ni Ben “Benthings” Maglaque ang comfort pick na Grock para guluhin ang farming path ni KarlTzy, taliwas ang naganap sa early game. Munting pagkakataon lamang ito gumana dahil sa kabilang gilid ay si Tristan “Yawi” Cabrera (Chou) ang kumulit sa jungling ni Daniel “SDzyz” Chu (Lancelot).

Bukod sa pang-aabala ay susi din ang kaniyang rotation para makapag-setup ng mahahalagang pickoffs at kalaunan ay buksan ang snowball ng kanilang core Barats.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Nagtala ang ECHO roamer ng busog na 1/1/12 KDA at 81% kill participation papunta sa MVP of the Game gantimpala.

Samantala, si Benedict “Bennyqt” Gonzales naman ang naglagablab sa ikalawa at huling laro ng serye. Ipinahawak sa ECHO gold laner ang klasiko niyang Phoveus para iharap sa Wanwan ng Phoenix Army na early game pa lamang ay hindi na nakaporma.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Paulit-ulit na binagsakan ng ECHO ang mga miyembro ng TNC kahit pa sa ilalim ng kanilang turrets na naging posible dahil sa kakaibang kunat at sustain na mayroon ang composition.

Sa huli ay pumihit ng 2/1/9 KDA at 91% Kill Participation ang fighter/mage ni Bennyqt para hiranging MVP ng game two.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Dahil sa panalo, maipapako na ng ECHO ang kanilang ika-limang sunod na panalo. Susunod nilang makakatunggali ang kasing-tikas na Blacklist International sa Day 3 para sa kongklusyon ng kanilang Week 7 kampanya.

I-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Kelra, Smart Omega malinis na dinispatiya ang ONIC PH, gaganda ang puwesto sa S10 standings