Nakabawi ang Echo Philippines kontra sa El Clasico rival nito na Onic Philippines, 2-1, sa isang makapigil-hiningang serye sa Week 4 Day 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Masaya si coach Michael Angelo “Arcadia” Bocado na nakakalaro na ulit sila nang magkakasama matapos dumaan ang koponan sa pagsubok na konektado sa COVID-19 sa nakaraang dalawang linggo.

“We’re really happy na nagkasama ulit kaming lahat. And sa tingin ko number one factor kailangan namin maging healthy lahat para magtuloy-tuloy ‘yung momentum namin,” sabi ni Coach Arcadia sa post-match interview.

Ngunit inilahad ng head coach of organization ng Echo na hindi pa syento porsyento ang kanilang kondisyon.

“I believe so (hindi pa 100% lahat) kasi meron pang iba na hindi maganda ang pakiramdam,” ani niya. “Hopefully, maging healthy kami lahat and then mag-continue ‘yung growth namin as a team.”


Echo nanaig salamat sa perpektong YSS ni Hadess

Credit: Echo Philippines, Moonton

Sa kabila ng alanganing sitwasyon, nagawang maka-comeback ng Echo sa serye kontra sa karibal nitong Onic. Nakapagpuwersa sila ng Game 3 kung saan nagpasiklab si jungler Mark “Hadess” Lazaro sa kanyang Yi Sun-Shin.

Pumukol ng perpektong 8-0-4 kill-death-assist record at 100% kill participation ang 19-year-old pride ng Pasay sa laro na tinapos ng Echo sa loob ng halos 20 minuto.

Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports PH

Ipinaliwanag ni Steven “Coach Dale” Vitug (MPL coach ng Echo) ang YSS pick para kay Hadess na madalas gumamit ng assassins tulad nila Lancelot at Ling.

“Nakita kasi namin Kaja (kinuha ng Onic) so parang hindi pwede sa kanya ‘yung play na ginagawa niya before. So sabi ko sa kanya mag-stick lang siya kung saan may wards (Abyssal Trap ng Selena at Popol’s Surprise ni Popol & Kupa) at gagalaw siya mag-isa if ever cooldown ‘yung ult (Mountain Shocker) para makita niya ‘yung Kaja.”

Dahil sa vision strategy ng Echo, nakapag-farm ng mga item si Hadess at nag-scale sa late para mabuhat ang kanyang koponan papunta sa kanilang pang-apat na panalo matapos malasap ng 0-2 sweep sa Blacklist International kahapon.

Sa kasalukuyan, nasa solo third ang koponan na may 13 points at 4-5 series win-loss record.


Pwede niyong i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para masundan ang mga kaganapan sa MPL Philippines Season 8. Mapapanood ang liga sa Facebook at YouTube channel nito.