Lumabas na ang Esmeralda Collector skin sa Mobile Legends: Bang Bang, at hindi magkanda-ugaga ang mga fans sa pagkuha ng mala-diyosang balat.

Pagkatapos ng Ruddy Dusk, Poison Vine, Lady Thief, Cleopatra, Blazing Shadow, at ng The Foreseer, ang Light Envoy Esmeralda ang pinakahuling handog ng Moonton para sa isa sa mga pinakapopular na hero sa Land of Dawn.

Sa mga naunang skins, umikot ang konsepto para sa tank/mage bilang si Poison Ivy, ibinida bilang karakter sa ancient Egypt gayundin sa Wild Wild West.

Ang Esmeralda Collector Skin, samantala, ang nagbalik sa hero sa kaniyang orihinal na storyline kung saan isa siyang Astrologer na may kapangyarihan ng buwan at mga bituin.


Hitsura ng Esmeralda Collector skin at mga skill effects

Screenshot ni Amanda Tan/ ONE Esports

Makapangyarihan ang dating ng Light Envoy Esmeralda na suot ang kaniyang eleganteng armored dress tampok ang mga kulay na royal gold, ivory at deep indigo.

Mas lalong naging mala-reyna ang datingan ng Esmeralda Collector skin dahil sa kaniyang single-crystal pointed crown sa ibabaw ng kaniyang mahabang buhok.

Swabe din ang skill effects ng nasabing balat kung saan umaariba ang Stardust at Frostmoon, ang dalawang tassels ni Esmeralda. May crescent-shaped animation na lumalabas kapag ginagamit ang basic attack.

Screenshot ni Amanda Tan/ ONE Esports

Matindi ang hagupit ng nasabing tassels sa mga kalaban kapag ginamit niya ang kaniyang second skill na Stardust Dance. Bukod dito, mas malaking crescents ang lumalabas sa magkabilang direksyon. 

Screenshot ni Amanda Tan/ ONE Esports

Ngunit pinakatampok sa skill effects ng Esmeralda Collector skin ang animation kapag ginamit niya ang kaniyang ultimate na Falling Starmoon. Umaastang superhero ang mage habang nag-chacharge ng skill, at pagbagsak nito ay lalabas ang mabangis na effects ng Stardust at Frostmoon para sa AoE effect.

Screenshot ni Amanda Tan/ ONE Esports

Panoorin ang full skin trailer ng Light Envoy Esmeralda dito:

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at guides sa MLBB!

BASAHIN: MLBB Guide: 3 heroes na pangontra sa Lolita