Momshoes. Mada’am V33. The Queen.

Ilan lamang iyan sa mga bansag kay Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ng Blacklist International, na kung tatanungin ang MPL PH fans ay masasabing isa sa pinakatanyag na Mobile Legends players sa eksena.

Patuloy na lumalawak ang pagkilala sa superstar midlaner na kamakailan lamang ay tinulungan ang kaniyang kupunan na depensahan ang kanilang korona sa MPL PH Season 8.

Credit: ONE Esports PH

Sa madaling salita ay nasa rurok si OhMyV33nus ng kaniyang karera, ngunit malubak ang tinahak ng pro bago makamit ang lahat ng ito.

Nakapanayam ng ONE Esports ang The Queen kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mga karanasan sa kaniyang karera bilang esports pro player kasama na din ang mga hamon na pumanday sa kaniyang estado ngayon.


Byahe ni OhMyV33nus papuntang Mobile Legends superstar

Paano nga ba nadiskubre ni OhMyV33nus ang Mobile Legends? Paano ito binuhay ang kaniyang pagmamahal sa esports?

Alamin ang lahat ng ito sa pinakahuling Youtube video handog sa inyo ng ONE Esports.

Sundan si Momshoes at ang kabuuan ng Blacklist International sa kanilang tangka na sakupin ang MPL Invitatational 2021 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports PH FacebookYouTubeTikTokTwitter, and Twitch