Kamakailan lamang, nakakuha ng malaking adjustment sa skills ang Mobile Legends: Bang Bang hero na Eudora, taliwas sa normal na sabay-sabay na paglalabas ng buffs or nerfs ng mga heroes sa isang patch.
Di kataka-taka na maraming nagulat sa paglabas ng in-game notification kung saan inanunsyo ang pag-nenerf sa Lightning Weaver sa patch 1.5.88.
Urong-sulong ng Eudora sa patch na ito

Makati ang dalang damage output ng hero na madalas nilalaro sa midlane. Kahit pa ang kilalang coach ng EVOS Legends na si Zeys ay inamin ang bigat na dala ng mage na ito sa kaniyang patch 1.5.88 tier list.
Sa sobrang overpowered ng hero na ito, hindi nakakagulat na siya ang most banned hero sa rank games ngayon kung saan nagtala siya ng 59.18% ban rate ayon sa pinakahulinh MLBB stats.
Ang early damage at crowd control abilities niya ay mahirap tapatan kaya naman bangungot ang Eudora lalo na sa mga solo queue games. Isa rin itong rason kung bakit prio pick ang Eudora noong nakaraan.
Mga nerfs sa Eudora sa patch 1.5.88 update
Skill 1 – Forked Lightning
- Base damage decreased from 400-650 to 350-650
- Extra damage decreased from 240-390 to 190-390
Skill 2 – Ball Lightning
- Magic defense reduction decreased from 20-35 to 10-35
Sa mga nerfs na ibinigay sa Lightning Weaver, hindi na kasing kati ang early game damage na maibibigay niya. Kasama nito, mapapansin din na hindi na kasing laki ang epekto niya sa laning phase. Dahil ang Forked Lightning at Ball lightning combo ang isa sa mga pinakamalakas na early game damage outputs sa laro, malaking tadyak ang adjustments na ito sa Eudora mains.
Sa kabilang banda naman, mas mapagtitiisan ng mga katapat ng Eudora ang laning phase, lalo na ang mga malalambot na damage output heroes.
Sundan ang mga pagbabagong nagaganap sa mundo ng Mobile Legends: Bang Bang sa pamamagitan ng pag-follow sa ONE Esports Philippines.