Bilang mga kampeon ng MPL ID Season 7, ang EVOS Legends ang isa sa dalawang Indonesian teams na nag-qualify para sa 2021 Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) ngayong Hunyo.

Sa kabila ng hindi pagiging kampeon ng nakaraang taon, sa wakas ay nagbalik na sa kundisyon ang EVOS sa Season 7. Ang perpektong line-up nina REKT, Luminaire, Ferxiic, Clover, at Antimage ay nagpakita ng napakalupit na level of play habang tinatalo ang ibang ID teams.

Isa sa mga malalakas na role player ng EVOS Legends ay si Joshua “LJ” Darmansyah. Habang nasa offseason ang team, maaari syang maging bahagi ng heavy rotation ng EVOS Legends.

Narito ang tatlong dahilan kung bakit si LJ ang maaaring magpalakas sa EVOS Legends sa MSC.


Patuloy ang pagi-improve ni EVOS Legends LJ

Iba’t iba ang pinagmulan ng mga members ng EVOS Legends nung pumasok sila sa MPL ID. Nakapag-recruit sila ng mga malalaking pangalan tulad nila LJ, Antimage, at Luminaire sa offseason, pero wala pa ring katiyakan ang panalo nila.

Nahirapan ang EVOS Legends sa unang dalawang linggo ng regular season, sa record nilang 1-2 ay hindi nila naabot ang performance na inaasahan sa kanila. Tuluyang nabuo ang team nang ma-promote si Ferxiic mula sa MDL, at napunta kay REKT ang tank role.

MobileLegends MPLID S7 EVOS Legends Ferxiic Trophy
Credit: muhammed thalhah/one esports id

Kahit wala siya sa starting line-up, patuloy pa rin sa ensayo si EVOS Legends LJ bilang isang reserve star player.

Mas kilala sya sa paggamit ng full tank heroes tulad ni Atlas, pero tinatrabaho na ni EVOS coach Zeys ang pagpapalaki ng kanyang hero pool.


Paano bumabagay si EVOS Legends LJ sa MSC lineup

Hindi maikakaila na hindi masyadong maganda ang simula ni LJ sa EVOS Legends. Dahil di sila masyadong nakalayo sa ONE Esports MPL Invitational, ang star player ay nanatiling substitute para kay REKT, na may support gameplay na bumabagay sa two-support meta.

https://youtu.be/UIDXoyUSNsg?t=7020

Sa kabila ng kaniyang pagkawala sa MPL ID season, malaki pa rin ang tsansa ni EVOS Legends LJ na makasali sa starting lineup para sa MSC.

Sinabi ni coach Zeys sa isang livestream na ang mga beteranong sina Luminaire at Wann ay maaaring di makasali sa EVOS para sa MSC. Bagamat wala pang kasiguraduhan, binanggit nya kung anong mga position changes ang magaganap.

Kung hindi maglalaro si Luminaire sa MSC, ang backup formation ng EVOS Legends ay magpapasok kay LJ bilang tank/full support at si REKT naman ay magiging mage support.

Binanggit din ni Zeys ang posibilidad na kunin nila si Rexxy mula sa MDL bilang support player. Ngunit dahil nag-shift na siya sa jungle role at kailangan nya pang mag-train kasama ang MPL team, mas maaasahan si LJ para maging starter player.


Kakaiba ang playstyle at mindset ni EVOS Legends LJ          

MobileLegends MPLID S7 EVOS Legends LJ
Credit: MPL ID

Ang kakaibang playstyle ni EVOS Legends LJ ang maaaring magbigay sa team ng kalamangan sa MSC 2021. Napatunayan nya sa kaniyang livestreams na ang mga full tanks tulad nila Atlas at Tigreal ay magagandang pang-counter sa mga in-meta supports tulad ni Popol and Kupa.

Kahit na isang benched star player, nagagampanan ni LJ ang kaniyang tungkulin bilang isang solidong miyembro ng EVOS Legends dahil sa kanyang winning mentality at kagustuhan na mapatunayan ang kaniyang sarili. Kung sakaling makasali siya sa kanyang squad sa Land of Dawn, siguradong magkakaron ng positive impact ang tank player na ito sa EVOS Legends.

Ang Group Stage ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup ay magsisimula sa June 7.