Maaaring hindi maganda ang ipinakita ng EVOS Legends sa MPL ID S10, ngunit may malaking pagbabagong nagaganap para sa team dulot ng kanilang malakihang roster change na maaaring magresulta sa muling pagbangon ng White Tigers team sa paparating na MPLI 2022.

Ang tanging natira na lamang sa team mula sa kanilang MPL ID S10 final roster ay sina Dreams at Saykots. Ang ibang slots ay pinunan nina Branz, Ferxiic, at Hijume. Sa limang players na ito, hindi pa nakakaranas ng talo ang White Tigers sa group stage ng Piala Presiden Esports 2022, kung kaya’t sila ang naghahari sa group A.

Branz EVOS Legends
Credit: ONE Esports

Bago ang pagtatapos ng Piala Presiden Esports event, tatahakin muna ng EVOS ang MPLI 2022 sa linggong ito.Hindi madali ang bracket na kinabibilangan ng White Tigers at siguradong susubok sa kanilang husay.

Ang EVOS Legends ay kabilang sa bracket ng ONIC Esports kung saan una nilang makakaharap ang ECHO sa kanilang opening match. Dito masusubok ang kanilang husay laban sa koponan ni KarlTzy na mga runners-up ng MPL PH S10.

MPLI 2022 brackets
Credit: ONE Esports

Kung sakaling manalo sila, susunod nilang makakaharap ang Bren Esports o Bigetron Alpha, pagkatapos nito ay kakaharapin na nila ang ONIC Esports.

Hindi magiging madali ang kanilang pagdadaanan. Ngunit bilang team captain, iba ang pananaw ni Branz.

EVOS Legends sasabak sa MPLI 2022

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ipinahiwatig ni Branz ang kanyang pagkauhaw sa pagiging kampeon. Alam niyang nasa magandang kondisyon ang kanyang team at nais niyang magpatuloy ito sa MPLI.

“We obviously want to win either in the President’s Cup or the MPLI. Especially now that the results are still good. So we pray that we will remain consistent going forward,” sabi niya.

Branz EVOS Legends
Credit: ONE Esports

“Regarding the bracket we are happy not to be happy. Positively we can get more experience. I myself remain optimistic against any team, after all, we often scrim against the Philippine team as well,”patuloy ni Branz.

Agad na pinangalanan ni Branz ang Blacklist International bilang koponan na nais nilang makatunggali kung sakaling makaabot sila sa grand finals.



“Want to fight Blacklist International in the grand final. It is more appropriate to want to experience the opponent of the world champion,” pagtatapos ni Branz.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.