Nilaro na ng EVOS Legends ang kanilang unang dalawang serye sa MPL ID Season 9 kung saan hinarap nila ang magiting na Bigetron Alpha at ang gutom na Aura Fire. Sa nasabing matches, prayoridad ni Coach Zeys si Cr1te bilang midlaner.

Hindi man nakamit ng EVOS Legends ang tagumpay sa matches na ito ay hindi binigo ng dating King Esports player ang tiwala sa kaniya ng batikang coach. At dahil sa pagpabilib sa mga miron dala ng magilas niyang performances, malaki ang tiyansa Cr1te na maging mainstay ng EVOS Legends sa midlane position.

Ngunit batid ni REKT na hindi pa tunay na handa ang kaniyang katambal.

Credit: Moonton

Ito ang inilahad ng team captain ng EVOS sa isang live stream sa Nimo TV kung saan binanggit niya na kailangan pa niyang gabayan ang pro player ng sa gayon ay mahasa ang mentalidad nito at kalaunan ay mapunganahan ang koponan gaya ng inaasahan sa kaniya.

“I told him to focus on carrying, (but he) just followed me anyway. I keep hooking up with Cr1te guys,” ani ni REKT sa kaniyang stream na hinango din ng RevivaLTV.

“It seems that Cr1te should be upgraded first. He should be the first to advance, he should (learn to) open (the) map. Let his mentality be strong, ” sabi pa ng kapitan.

Taliwas sa binanggit ni REKT, hindi trabaho ng midlaner na manguna sa laban at buksan ang mapa dahil may tiyansang mabilis na mapitas ang heroes ni Cr1te sa mga team fights. Gayunpaman, siguradong may iba pang ibig ipakahulugan si REKT sa mga sinabi niya tungkol sa kaniyang teammate.


Mga heroes na hinawakan ni Cr1te

Credit: Moonton/ ONE Esports

Sa unang linggo ng MPL ID S9, anim na laro isinalang ang bagong midlaner ng EVOS Legends. Sa anim na ito, tatlong heroes lamang ang hinawakan ng pro.

Una sa listahan ang kaniyang Cecilion na ginamit niya sa tatlong laro. Nagtala ng 66% win rate ang mage hero sa kamay ni Cr1te, halos perpekto kung hindi bibilangin ang isang laro niya na natalo kontra Bigetron Alpha.

Bukod dito, hinawakan din niya ng dalawang beses ang Lylia. Sa mage hero na ito, inilista niya ang 50% win rate galing sa una’t pangalawang laro kontra parin sa Bigetron. Sinubukan din niyang imaniobra ang Yve ngunit nabigo ang EVOS Legends kontra Aura Fire sa game na ito.

Kapanapanabik kung ano pa ang mga heroes na isasalang ni Cr1te para sa kaniyang koponan sa pagpapatuloy ng MPL ID Season 9.

Pagsasalin ito sa sulat ni VERDI HENDRAWAN ng ONE Esports ID.