Sa ngayon ay wala pang lumalabas na impormasyon tungkol sa roster ng EVOS Legends para sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11). Baka pati ang mga Whit Tigers mismo ay hindi pa ito masyadong iniisip dahil sa February o March pa ng susunod na taon ang season 11.

Sa kabila nito, naging usap-usapan na ang magiging roster ng EVOS , dahil na rin sa taglay na lakas ng Indonesian MLBB National Team na binubuo ng mga haligi ng MLBB scene sa Indo.

EVOS Legends
Credit: Aji SOA

Mula sa hindi magandang MPL season, nakabawi ang EVOS Legends, na bumubuo sa Indonesian MLBB National Team. Nagawa nilang maging kampeon ng IESF 14th World Esports Championship (IESF 14th WEC) matapos talunin ang SIBOL na kinabibilangan ng mga Blacklist International players.

Indonesian National Team IESF 14th WEC
Credit: ONE Esports

Dahil sa lakas ng kanilang team na binubuo nina Branz, Tazz, Saykots, Hijumee, at Dreams, samahan pa ng kanilang titulo na napoanalunan, ang mga players na ito ay dapat makasama sa roster ng EVOS Legends para sa MPL ID S11.

Sagot ni Zeys sa katanungan tungkol sa roster ng EVOS Legends

Sa kanilang pagkakapanalo sa world title, napatunayan ng team na mataas ang kalidad ng kanilang mga players, at nagkaroon na rin sila ng chemistry sa isa’t isa.

Gayunpaman, kelangan tandaan na may iba pang mahuhusay na players ang EVOS na hindi nakabilang sa national team, tulad nina Ferxiic, Sutsujin, at Dlar.

@upstation.media

Pendapatnya guys? ???? #daretobegreat #mlbbm4 #saatny4indonesia #iesf2022 #iesfworldchampionship #evosesports #evoszeys

♬ DJ Digeleng-geleng – DAPA REMIX

Matapos makuha ang ginto sa IESF 14th WEC, sinagot ni Zeys ang katanungan kung sigurado na bang pasok ang national team players sa kanilang roster sa Season 11.

“Don’t know. I don’t know, I don’t know what it will be. Maybe pensi?” sagot ni Zeys.

Note: Pensi = Retire/Retirement sa wikang Bahasa Indonesia

Branz Zeys
Credit: ONE Esports

Nangangahulugan ito na may trials pang magaganap. Hintayin na lang natin kung anong magiging balita sa roster ng EVOS Legends.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.