Lalaban ang EVOS Legends sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC 2021) na hindi kasama sina Muhammad “Wann” Ridwan at Ihsan “Luminaire” Besarik, dalawa sa star players ng team.
Matapos manalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League ID Season 7, nag-qualify ang team para sa MSC 2021. Subalit ang kawalan nina Wann at Luminaire ay nangangahulugang hindi natin makikita ang EVOS Legends sa kanilang pinakamalakas na lineup sa pagpasok sa tournament.
Dahilan kung bakit hindi maglalaro si Wann para sa EVOS Legends sa MSC 2021
Malaking potential ang ipinakita ni Wann sa unang linggo ng MPL ID. Tinapos nya ang unang linggo sa EVOS Legends bago sya nag-anunsyo ng maikling pahinga mula sa competitive scene dahil sa pansariling dahilan.
Maraming fans ang na-excite nang makuha ng EVOS Legends ang championship, at sinasabing magbabalik si Wann sa team dahil sa tagumpay na naabot nito.
Ngunit sinabi ni EVOS Legends coach Zeys sa kanyang Instagram story na hindi pa rin ito babalik para sa MSC 2021.
“It’s not fair if we suddenly ask Wann to play. So please try to understand his position. If he makes a comeback, it will happen when he is very ready, ” sabi ni Zeys.
Lumabas din si Wann sa Empetalks ni Jonathan Liandi, kung saan ibinahagi nya ang nararanasan nyang burnout. Sinabi nya na ang kanyang drive sa ngayon ay hindi kasing lakas ng sa mga kasama nya sa EVOS Legends.
Paano makakaapekto ang kawalan ni Luminaire sa EVOS Legends sa MSC 2021
Si Luminaire na yata ang pinakamahusay na MLBB player sa Indonesia sa ngayon. Ramdam na ramdam ang kanyang presensya, lalo na sa grand finals laban sa Bigetron Alpha.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi natin masasaksihan ang kakayahan ni Luminaire dahil ipinahayag nya sa Empetalks ang personal na desisyon nya ng hindi sumali sa MSC 2021.
“Honestly, I don’t have any adrenaline at all for MSC 2021. I am worried that I will be toxic to the team if they force me to play because I have no goal of winning the MSC,” sabi ni Luminaire.
Idinagdag din nya na hindi nya na kailangan pang patunayan ang sarili nya dahil napanalunan nya na ang M1 World Championship kasama ang EVOS Legends.
Sa pagkawala ni Luminaire, marami ang nagtatanong kung sino ang papalit sa kanya bilang mid laner. Sinuman kina REKT o Rexxy ay magandang substitute, pero oras lang ang makakapagsabi kung paano nila pupunan ang posisyon na naiwan ng isa sa mga pinakamagaling na mid laner sa MLBB.