Umatras si EVOS REKT sa paglalahok 2021 SEA Games National Team. Nakakagulat ito dahil nasa kalagitnaan na sila ng pagpili ng Indonesian Esports National Selection Team.
Si REKT ang isa sa mga players na pinili ni Coach James Chen na inantas na pumili ng mga lalahok para sa national team. Apat na araw ang naging selection phase noong nakaraang linggo.

Ngunit biglang nagkagulo ang mga pangyayari dahil sa EVOS Legends captain. Sa araw na dapat babalik siya ng Bogor para sa national selection, biglaan siyang nag-stream mula sa kaniyang apartment noong Lunes.
At doon na lumabas ang lahat. Simula sa kaniyang pagiging disqualified, sa kaniyang pagkakasakit, at sa mga tsismis na na-late siya noong gabi ng Linggo. At nalaman na din natin na siya ay umalis na sa 2021 SEA Games national team.
Ang pag-alis ni EVOS REKT sa 2021 SEA Games national team
Si Vior, ang pinakamalapit na kaibigan ni REKT, ang nagkumpirma ng balita. Dahil sa upload ni Emak Moba na nagmula sa mga komento ni Vior, ibinunyag ng talent ng ONIC Esports na nag-resign na si EVOS REKT sa 2021 SEA Games national team.
“Pagod na siya kaka-live, MPL, scrim, at national training. Tapos masakit pa ang kamay niya, kaya siya umalis. Kaya hindi ito dahil hindi siya natanggap, o covid, o kahit ano man,” sabi ni Vior.

Sinabi pa nga ni REKT sa kaniyang stream na: “May sakit ako, guys. Walang sustento. Hindi ako makakapagpatuloy sa training.”
Hindi lang kay Vior galing, kay REKT mismo, ngunit pati na rin sa manager ng EVOS Legends na si Aji “SOA” Wicaksono ang may mga opinyon tungkol sa mga komento na pinot ni Emak Moba.
“Hindi na-expel si REKT. Ang kondisyon ng kaniyang kamay ang dahilan kung bakit siya umatras sa national training. Kailangan niyang isipin ang kaniyang kalusugan,” paliwanag ni SOA.
Nagpasalamat ang PB ESI kay REKT
Pinasalamatan naman ni RM Ibnu Riza Pradipto, ang head ng Esports Training Center, dahil sinubukan pa rin niya ito.
Dati nang ibinunyag ni Ibnu sa isang live stream ng VP EVOS Esports, na gusto niyang maging captain si REKT ng Indonesian MLBB national team.

“Magpagaling ka, REKT! Salamat sa oras mo at sa pag-try out mo para sa Indonesian National Team, ipinagmamalaki ka namin!” sabi niya sa comments column.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, EVOS REKT mengundurkan diri dari Timnas SEA Games 2021, ini alasannya.