Simula nang pumasok ang organisasyon sa liga noong season two, ngayong Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 7 lang naging ganito kalapit ang Execration sa pagtupad sa kanilang kampanyang #GiveBillyATrophy, matapos umusad ng koponan sa kauna-unahang pagkakataon sa grand finals ng playoffs.

Apat na bigating teams, na kinabibilangan ng Onic PH, Omega Esports, Bren Esports, at Aura PH, ang nilaglag ng Execration sa lower bracket upang maselyo ang best-of-seven finale kontra Blacklist International at huling slot ng Pilipinas para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021.

Execration winalis ang Aura PH

Naging cherry on top ang pag walis ng Execration sa Aura PH nang magharap ang dalawa sa lower bracket finals. Ang panalong ito ng Group B third-seed kasi ang unang series sweep ng playoff season. 

Tila hindi nasindak ang Group A top seed sa kamandag ng Khufra ni Ch4knu matapos nilang ibigay ang comfort pick sa Execration noong unang dalawang laro ng best-of-five series.

Pinagbayaran ito ng Aura PH matapos ipatikim ng Tank player ang parehong Khufra performance na ikinalaglag sa playoffs ng defending MPL-PH at world champions Bren Esports kagabi.

https://www.facebook.com/ONEEsportsPH/videos/986075308814862

Hindi rin hinayaan ni Kiel VJ “KielVJ” Hernandez na papormahin ang Jungler na ipinalit sa kanya ng Aura PH na si Jaymark “Lord Hadess” Lazaro. Hinirang na MVP ang Ling ni The King matapos umi-score ng 12 kills at nine assists, sa kabila ng limang deaths, sa ikalawang laro na umabot nang higit 33 minuto.

Screenshot mula sa MPL Philippines

Ikinatuwa naman ng child prodigy ang naging resulta ng laban nila kontra sa dating koponan, dahil ayon sa kanya, ‘basang-basa na nila ang Aura PH’.

“Sobrang saya, ‘yung [panalo namin sa] regular season hindi pa masaya kasi regular season lang ‘yun eh. Ta’s ngayon playoffs, pag nanalo ka MSC, grand finals, so bali ibibigay mo talaga ‘yung best mo, ta’s nanalo kami, 3-0 sweep, ‘di pa sila naka-isa, so sobrang-sobrang-sobrang saya po talaga,” dagdag pa niya.


Matapos makumpleto ang lower bracket run, tanging Blacklist International na lang ang nagsisilbing harang sa pagitan ng Execration at ang mithiing bigyan si veteran player Billy “Z4pnu” Alfonso ng MPL-PH championship trophy.

Ang huling serye ng MPL-PH Season 7 ay nakatakdang magsimula ng 6:00 p.m. Ang official Filipino live broadcast ay ipalalabas sa MPL-PH Facebook page.