Napakagandang panoorin ng Lunox ni Exort!

Nasaksihan ito nang talunin ng Nexplay Esports ang ONIC Philippines as Week 6 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7 (MPL PH).

Si Dexter “Exort” Martinez, na isa sa mga key players ng Nexplay Esports, ay nagpamalas ng napakatinding Lunox performance sa Game 3 laban sa squad na pinamumunuan ni Ryo.

Lunox ni Exort ang susi sa pamamayagpag ng Nexplay Esports

Sa Game 3, na-lock in ng team ang karamihan sa kanilang mga comfort picks – Roger, Benedetta, Khufra, Chou, at Lunox.

Ang line up na ito ang nagbigay sa kanila ng lamang sa early game, na nagresulta sa 11-1 na lamang sa loob lamang ng pitong minute, at karamihan ng kills ay galing kay Exort.

https://youtu.be/8djhbzSq_Po?t=25734

Dahil dito, hindi nagawa ng ONIC Philippines na mag-push ng kahit anong tower sa buong match. Nakuha ng Nexplay Esports ang ikalawang Lord sa 14-minute mark na walang masyadong palag mula sa kalaban, at nakuha nila ang panalo sa score na 24-7.

Nakuha ni Exort ang MVP na may kahanga-hangang 9/1/8 KDA at 71% kill participation.

MLBB _MPL PH S7 Nexplay Esports Exort
Screenshot by Julian Elona/ONE Esports

Matapos ang nakakabilib na performance, tabla na Nexplay Esports sa Omega Esports na may 17 points sa Group B standings.