Sa kanilang unang off-season move, inanunsyo ng Nexplay Esports na bibitawan na nila si Dexter “Exort” Martinez mula sa kanilang opisyal na lineup.
Ito ay matapos ang kanilang eight-place finish sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7 kung saan naisahan sila ng rookie team na Work Auster Force sa first round ng playoffs.

Aalis na si Exort sa Nexplay
Sa isa ng opisyal na pahayag sa Facebook, binigyang pugay ng Nexplay Esports ang magandang performance ni Exort sa nakaraang season bago inanunsyo ang kanyang pag-alis.
“We would like to announce Exort’s exit from our ML team roster,” they wrote. “Thank you for being a part of Nexplay Esports, and we wish you the best in your future endeavors,”
Isang season lang ang nilaro ng 21-anyos para sa Nexplay kung saan pinalitan niya si Chester sa parehong role matapos ang 8th place finish sa Season 6.
Kilala si Exort bilang isa sa mga agresibong support players na mahilig hawakan ang mga heroes tulad nila Lunox at Yve.
Wala pang opisyal na anunsyo kung saan susunod na maglalaro si Exort pero hindi kataka-takang makukuha siya ng ibang team dahil sa kanyang veteran experience.