Sa pagdiriwang ng 515 Eparty event, maglalabas ang Mobile Legends: Bang Bang ng exclusive Fashion Expert Harith skin na magiging libre para sa lahat ng players.
Sa skin na ito, makikita si Harith na nakasuot ng isang futuristic violet at cyan outfit na tila galling sa isang 8-bit video game.
Bagong animated abilities ng Fashion Expert Harith
Para sa kanyang abilities, ang Synchro Fission ay nagkakaron ng pixel effect explosion pag nagbanggaan ang dalawang projectile.
Nag-iiwan din sya ng blue pixel trail kapag gumagamit sya ng Chrono Dash. At para naman sa Zaman Force, nasa-summon sya ng holographic key sa lupa, katulad ng mga retro spaceship na makikita sa mga classic video games.
Binago rin ang basic attacks ng Fashion Expert Harith para bumagay sa arcade theme ng skin. Nagbabato sya ng blue energy balls sa kalaban, na nag-iiwan ng tila pixels sa daanan nito, at bumabagay sa tema ng skin.
Pano makuha ang skin ng libre sa 515 Eparty event
Ayon sa announcement ng Moonton, magiging available ang Fashion Expert Harith sa special 515 Eparty event na “Party Star.”
Bagamat wala pang detalyeng inilalabas, mukhang kailangan ng mga players na gumawa ng daily tasks para makakuha ng tokens. At ang mga tokens na ito ang gagamitin upang makuha ang skin at iba pang mga rewards.